ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 27, 2023
Ngayong hayag na hayag na sa publiko ang breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isa-isa nang naglalabasan ang mga kuwento ng lihim na pambababae ni Daniel.
Matagal na raw na pasimpleng nagtu-two-timer si DJ na nabubuking ni Kathryn pero dahil mahal nga niya ito, paulit-ulit pa rin daw niyang pinatatawad ang nobyo.
Ayaw daw ni Kath na mawasak ang kanilang love team. At inaalala rin niya ang KathNiel fans.
Ayaw ni Kathryn na saktan ang mga tagahanga nila ni Daniel.
Pero, may hangganan din naman ang lahat! Mismong ang mga loyal fans ni Kathryn ang nagsasabi sa aktres na dapat na siyang magising sa katotohanan. Huwag na siyang pumayag na paulit-ulit siyang niloloko at minamanipula ni Daniel Padilla.
Marami nang nagpaparating kay Kathryn ng lihim na pambababae ni Daniel. Hindi lang si Andrea Brillantes ang naugnay kay DJ sa panahon na nagkarelasyon sila ni Kathryn.
Kaya naman, nauntog na si Kath at tuluyan nang winakasan ang relasyon nila ni DJ.
May hugot at patama pa ang isang post ni Kath na nagsasabing: “What good is a man who has no plan...... but just having fun.”
Sa panahon na sila ay naging magkarelasyon, hinintay ni Kathryn ang pagma-mature ni Daniel. Gusto niyang makita kung may plano ang nobyo for the future.
Kumikita nang milyun-milyon si DJ pero hindi nag-iipon at nag-i-invest. Priority ni Daniel na suportahan ang pangangailangan ng kanyang ina at mga kapatid. Hindi ito nag-iisip mag-ipon for his future.
Mas unang nag-mature mentally and emotionally si Kathryn at malaki ang naging transformation niya.
Hindi na rin kailangan pa ni Kathryn na dumepende sa love team nila ni Daniel Padilla.
Kaya niyang tumambal sa ibang aktor at gumanap ng mature role. Napag-iwanan na ni Kathryn si Daniel.
Comments