'Di na talaga ma-reach, Enrique… LIZA, MAHIGIT P10 M WORTH NA BMW ANG IDINA-DRIVE SA USA
- BULGAR
- Apr 4, 2024
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 4, 2024

Spotted si Liza Soberano na nagda-drive ng BMW 18 car worth $150,000 (more than P10M) along Rodeo Drive in Beverly Hills, California, USA.
Naharang kasi ang super-fancy car na sinasakyan at idina-drive ni Liza ng isang Amerikanong blogger na nagpi-feature ng expensive cars sa US.
Hindi akalain (or echos lang! LOL!) ng Amerikanong blogger na isang aktres sa Pilipinas si Liza.
Unang sinabi ni Liza sa blogger ay she’s an actress and "a lot of her works are in the Philippines.”
Tinanong ng US blogger kung sa Philippines ang Manila. Mas kilala kasi sa US ang Manila kesa sa Philippines.
Saka lang naniwala (umetchos! LOL, again!) si US blogger na siya nga si Liza Soberano.
Then, hiningan si Liza ng life advice sa mga gustong maging artista rin gaya niya.
Sagot ni Liza, “Um, just be true to yourself and take risks.”
Although, ‘di naman imposible pero dahil sa mukhang echosera si US blogger, nagdududa tuloy kami kung pag-aari talaga ni Liza ang worth more than P10M BMW 18 car na idina-drive niya sa US.





Comments