'Di na takot lumabas dahil sa COVID… LIZA AT ENRIQUE, MAGBABALIK-TV NA
- BULGAR
- Nov 6, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 6, 2021

May hatid na good news ang tambalang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) sa kanilang mga fans at supporters.
Malapit nang mapanood ang muli nilang pagtatambal sa telebisyon. May inihahanda nang project para sa LizQuen at inaayos na lang ng production staff ang ilang detalye.
Anytime ay puwede na silang magsimula. Tiyak naman na ipapaalam ng LizQuen sa publiko kapag na-finalize na ang lahat.
Kaya abang-abang na lang ang mga fans. Bibiglain na lang sila ng LizQuen dahil may bago silang show na gagawin.
Hindi na matatakot lumabas si Liza Soberano ngayon na bumaba na ang COVID cases at marami na ang fully vaccinated. Kahit papaano, medyo safe na ngayon ang bumalik sa trabaho. Basta patuloy lang na sumunod sa health protocols ng DOH.





Comments