top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Di na raw nag-inarte… ANGELICA, UMAMING WALA NANG NAGAWA KAYA BUMIGAY NA SA BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 1, 2021





After several failed relationships, aminado si Angelica Panganiban na talagang maingat na siya sa pagpasok sa isang relasyon at talaga raw dedma siya kapag may mga ipinakikilala sa kanyang guys.


“Parang naging normal na sa akin ang may mataas na wall,” aniya sa recent online interview, “kahit naman noon, ‘pag may ipinapakilala sa akin, parang wala, hindi ko pinapansin, pinapakitaan ko na ‘Barkada lang ‘to,’ ganu’n.”


Hanggang sa dumating nga sa buhay niya ang current flame na si Gregg Homan na aniya ay talaga raw nagpursige sa kanya.


“Wala naman din kasing naging pressure. Parang siguro, ‘yun ‘yung naging difference. Parang kalmado lang dumating ‘yung lahat, parang hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya and slowly, parang nag-o-open-up na ulit ‘yung sarili mo,” she said.


“Siguro, kapag lang ‘yung tao na… wow, pinursige! Siguro, priting-pretty kasi sa ‘kin. ‘Yung pinursige ako, eh, wala na akong nagawa. Parang ‘Hey, ano ba?’ Wow, ang arte,” natatawa niyang sabi.


When asked kung nakapag-adjust na ba ang boyfriend for having a popular celebrity girlfriend, ayon kay Angelica ay hindi rin naman siya umaastang artista at ganito rin siya sa harap ni Gregg.


“Kung kilala n’yo ako, sobrang simple ko rin naman na tao minsan, kaya kailangan kong i-remind ‘yung sarili ko na ‘Huy, artista ka, ‘yung mga ginagawa mo, ‘yung mga sinasabi mo,’ ‘di ba? Mga pinupuntahan ko.


“So, parang hindi naman din naging mahirap ‘yung pag-a-adjust. May mga panahon lang na nagugulat pa rin siya ‘pag may biglang lumalapit sa akin. So, ‘yun, sa mga ganu’n-ganu’n lang siya nagugulat. Parang kailangan niyang i-remind ‘yung sarili niya na ‘Oo nga pala, artista ‘yung kasama ko,’” she said.


Hangga’t maaari nga raw sana ay gusto niyang maging pribado lang ang kanilang relasyon, pero dahil nga artista siya, alam niyang mahirap gawin ‘yun kaya naman finally ay inilantad na rin niya ang kanyang bagong pag-ibig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page