top of page
Search
  • BULGAR

'Di na raw matiis ang mga fake news... BEA, UMAMING ‘DI SIYA ANG UNANG NAKIPAG-BREAK KAY DOMINIC

ni Beth Gelena @Bulgary | June 15, 2024



Showbiz news

Ayon kay Bea Alonzo, hindi siya ang unang nag-initiate ng breakup nila ni Dominic Roque. 


“‘Di ako ang nakipag-break. It’s amicable, okay naman kami,” sambit niya sa isang panayam. 


Ikinumpara tuloy ng netizen ang sagot ni Xian Lim kapag natatanong ang ex-girlfriend na si Kim Chiu. 


“Xian Lim, this is how you answer questions about your ex, ‘with respect.’”


May pumalag naman na mga fans ng aktor:


“Tell that to Kim as well, she started the drama and amplified it. BeaDom were both bashed for different reasons so it’s not a fair basis for comparison.”


“Mahirap mag-judge pero baka impulse decision ‘yun. I wish them to completely heal, maybe it wasn’t meant to be,” ang tila agree sa sinabi ng Kapuso actress. 


Ani naman ng ibang netizens: “It’s promo time para sa kanilang teleserye.”


“Duh, she’s just trying to clear the fake rumors na nag-spread about the breakup. Other than that, mukhang wala siyang intention to make the story long.”


“Nilinaw lang n’ya ‘yung fake news. Okay naman sagot n’ya at least may respect at hindi nagpaparinig.”


“Nag-defend lang s’ya ng sarili n’ya kasi ang daming nag-bash sa kanya sa breakup nila.”


“So, gusto n’yo forever nang mali ang alam natin? At least ngayon, alam na natin ang totoo! Akala ko ba, sabi ni Ogie, nakabantay pa sa harap ng bahay ni Bea si ex para makipagbalikan?”


“Hanggang d’yan lang ang kaya n’yang i-share. Paglilinaw lang sa fake news and that’s it.”


“Kasi naman si Nelson Canlas. Parang na-awkward s’ya du’n sa ‘Ikaw ‘yung nakipag-break, eh.’ Tapos, reaction ni Bea is ‘Actually, that’s false.’ Kakasabi lang ni Bea na nasasaktan s’ya sa false narrative, na-awkward s’ya for seconds du’n. Tingin ko, Nelson meant ‘Ikaw ang na-brokenhearted.”


 

‘Wag daw piliting magtanggal ng mask in public…

MAINE, MINURA NG NETIZEN


Maine Mendoza

NAPA-REACT si Maine Mendoza sa isang netizen na may rude comment sa kanyang post sa Twitter account. 


Ang tweet ni Maine, “People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus. Ang hirap magtrabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam.”


Napamura ang netizen sa tweet ng misis ni Congressman Arjo Atayde hinggil sa ‘remove face mask’ kung magpapakuha raw ng picture. 


Sey ng isang netizen, “Put***** mo!”


Ini-screenshot ng Eat… Bulaga! host ang account ng commenter at saka ishinare. 


Nalito nga si Maine sa rude reaction ng netizen dahil sabi pa nito, “I am not a perfect person, but I know how to respect.”


Sa follow-up post, napag-alaman ni Maine na binlock na siya ng netizen. Ang tanging nasabi na lang ng misis ni Cong. Arjo, “Bakit parang kasalanan ko?”


 

ANG daming kaibigan ni Andrea Brillantes ang nagpadala sa kanya ng cake nitong Independence Day. 


Kino-congratulate nila ang young actress dahil anniversary umano sa paglaya niya sa ex-boyfriend na si Ricci Rivero and at the same time ay naka-isang taon daw siyang walang jowa. 


May post din kasi si Blythe na, “Happy Independence Day at Happy Anniversary sa ‘kin Emz (3 crying emojis).”


Ibig bang sabihin ay may sakit pa ring nararamdaman ang young actress sa nangyari sa kanyang love life? 


Nagpadala naman ng cake ang dalawa niyang kaibigan na sina Bea Borres at Danica Ontengco. Ang nakalagay sa greetings, “Congratulations. You’ve made it through the entire year, which is 365 days without a boyfriend. Good job!”


Ani Andrea, “OA (overreacting) sa pagiging supportive, ramdam kahit nasa States.”

May isa pang nagpadala, kaya hirit ni Blythe, “Tama na pagpapadala ng cake, ‘di ko birthday! ‘Kaasar.”


May mga netizens na hindi nagustuhan ang ginawa ng mga kaibigan ni Blythe. 


Anila, “Sobrang big deal na walang lalaki sa buhay? How old is she? Parang sa boys umiikot buhay n’ya. Ang desperate tingnan.”


May nagtanggol naman sa aktres. 


“Exactly, from friends. The people who know her well enough to know that this is a big deal that needs to be highlighted. It's not nice to think that a girl’s life revolves around boys.”


Napansin naman ng ibang commenters ang bagong serye ni Andrea na High Street (HS): 


“Bakit parang wala nang appeal ‘yung sequel ng serye n’ya?”


“True! ‘Di pa okay hairstyle n’ya. Ang bagal ng story, paikut-ikot.”


“‘Di nai-promote nang maayos tapos wala pa ‘yung ibang characters na inaabangan talaga sa HS.”


“Hindi pala sila ni Kyle (Echarri), sweet kasi sila.”


“I don’t think Kyle likes her like that. Also, parang mas type n’ya si JK.”




0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page