top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di na raw bumibili ng damit… TONY BOY KAY GRETCHEN: TAMA 'YAN PARA MAKATIPID-TIPID

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 20, 2021





Very practical lang si Gretchen Barretto sa kanyang mga damit na isinusuot. Hindi siya nahihiyang sabihin na paulit-ulit niyang isinusuot ang mga damit kung puwede pa namang gamitin.


Sa estado ng buhay ni La Greta, kung gugustuhin lang niya, puwede siyang bumili nang bumili ng mga damit.


Pero, sabi nga raw ng kanyang long-time partner na si Tony Boy Cojuangco, "Ayan, tama 'yan para makatipid-tipid."


Sa Instagram Story ng dating aktres, ipinakita niya ang glamorosang kabinet na punumpuno ng kanyang mga naggagandahang damit.


"I’ve learned to mix and match para hindi na tayo masyadong bumibili ng mga damit."


Pagmamayabang pa ng aktres, ang ibang damit na nasa closet niya ay nabili pa niya ilang dekada na ang nagdaan. At nagkakasya pa rin daw sa kanya hanggang ngayon kapag isinusuot niyang muli.


Achievement para kay Gretchen na hanggang ngayon ay fit pa rin sa kanya ang clothes na mga nabili noon.


“I feel like, right now, I’m not ashamed to like repeat outfits because I think it’s a blessing to be able to wear clothes that you wore 10 years, 15, 20 years back,” sambit ng dating aktres.


Mula't sapul naman ay hindi nagbago ang katawan ni La Greta kahit na nagkaroon sila ng isang anak ng kanyang Dada.


Samantala, patuloy pa rin ang pamimigay ng aktres ng kanyang love box ayuda sa industriya.


Wala siyang pinipiling pagbigyan. Kilala niya o hindi ay nakakatanggap ng kanyang love box sa tulong ng dati ring aktres na si Ana Abiera.


Kamakailan lang ay gumawa si La Greta ng video na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram story. Aniya, nagpe-prepare na raw sila para sa pamaskong giveaways.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page