top of page

'Di na nakatiis… MARKKI, NIRESBAKAN ANG BASHER NA NAGKALAT NG PIKTYUR NILA NI MARVIN NA MAGKATABING

  • BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 3 min read

NATUTULOG


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 25, 2021




Bilib kami sa katapangang umatake ng mga bashers sa ilang celebrities. Karaniwang nagtatago sa mga pekeng accounts ang mga ito kaya't wala silang pakialam kahit na personal at below the belt na ang mga banat nila sa mga artista, na para bang pagmumumog na lang nila sa umaga kung banatan nila ang kanilang napagdidiskitahan.


Wala pa yatang naitatalang nakasuhan sa cyber-crime law kaya't malaya at matapang pa silang mang-bash sa mga personalidad na gusto nilang ipulutan sa inuman.


Gaya nitong kanilang pagpipilit na may relasyon diumano ang aktor-entrepreneur na si Marvin Agustin at si Markki Stroem, ang Fil-Norwegian singer/actor/model na naging finalist ng dating ABS-CBN reality franchise na Pilipinas Got Talent Season 1.


Dati nang pinagdududahan ang sexual orientation ni Markki, pero dahil suki raw ito ng mga BL series, mas tumindi pa ang pagdududa nila rito lalo nu'ng ginampanan ni Markki ang role ng isang bi (bisexual) sa indie film na Andrew at Felix kung saan walang patumanggang nakipaglaplapan ang singer sa baguhan at machong artista.


Kasabay ng espekulasyong 'gay' si Markki ay nagpakita rin ang basher ng dating viral photo kung saan makikitang magkasamang natutulog diumano sa kama sina Marvin at Markki.

Pero dahil malaki ang nagagawang milagro ng computer graphics, walang makapagsabi kung tunay o peke ang larawan.


Buwelta ni Markki sa kanyang basher, "I wish you so much healing in your life. I hope things work out for you. I genuinely pray for healing," sa tonong kalmado.


May isa pang basher na kumukuwestiyon kung paano nito na-acquire ang two-storey house na kanyang tinitirhan ngayon samantalang mas madalas pa raw ang pagputok ng Bulkang Taal kaysa sa mga nakukuha niyang projects sa ngayon.


Espekulasyon nito, kay Marvin din daw galing ang bahay. At posibleng mangyari dahil milyun-milyong salapi na ang ipon ni Marvin dahil sa kanyang franchise business na siomai, siopao, kikiam at kung anu-ano pa.


May post kasi si Markki na nilakipan niya ng kanyang litrato na kuha sa tapat ng isang puting two-storey house.


"Hello from my parents house. Have a wonderful day," depensa ni Markki.


Aminado siyang may kaya sila at may kapasidad na magpatayo ng sariling bahay kung kanyang gugustuhin.


Sa tingin daw niya, inaatake ang kanyang pagkatao at pinagdududahan kung kaya rin bang magtayo ng sariling negosyo gaya ni Marvin.


"They don't think I have the money to pay for my own business. Sorry peeps, as much as you would all like to degrade me, we have our own MONEY."

Hindi raw niya maintindihan kung bakit pinoproblema ng mga netizens ang kanyang sexual orientation o paglaladlad kung saka-sakali.


"Can you tell me how this makes a person worse? Just inquiring.


"Is sexuality still a prejudice in this day and age? Why does homophobia stem from mostly women and other gay men? Please enlighten me.


"I want to know how long it will take before we can treat each other equality."


Sa Twitter page ng PEP.ph nitong nakaraang araw, may nagkomento na ang pinagkakaabalahan ni Markki nitong lockdown ay ang "manlalaki," sabay sabi ng kritiko kay Markki ng, "Beki 'yan."


May sumunod na humirit na dapat ay "magladlad na" si Markki para matigil na raw ang isyu tungkol sa seksuwalidad niya.


"Alam naman ng lahat about sa 'yo. Confirmation na lang talaga ang hinihintay ng mga tao," sabi pa ng basher.


Hindi pa siguro aware si Markki na habang itinatago ang sexual orientation, pilit itong kinakalkal ng mga bashers. 'Di ba, simula nang umamin, natigil na ang isyung 'gay' kina Rustom Padilla, Mark Bautista, Teejay Marquez, Alex Diaz at marami pang iba?


Aniya'y wala naman daw siyang mapapala sa pagpatol sa gustong ipaamin sa kanya ng mga bashers.


"There is a word called RESPECT. No one deserves an explanation about anything in our lives!

"Do not allow anyone to tell you what to do and not to do.


"I will not stand by this bullying," katwiran pa ni Markki.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page