top of page

'Di na nakatiis, Kris… MILES, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA NABUNTIS NI BIMBY

  • BULGAR
  • May 6, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 06, 2021




Hindi na nakatiis si Miles Ocampo sa mga nagkakalat ng fake news sa YouTube na nabuntis daw siya ng 14-anyos na anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap.


Sa kanyang Instagram Story, naglabas ng picture si Miles na nakataas ang kilay at nakasulat ang: “2021 na... naniniwala ka pa din sa fake news???”


Hindi lang kasi isang vlogger ang naglabas ng fake news tungkol sa kanila ni Bimby, marami ang nakisakay at gumawa ng mga imbentong kuwento para lang panoorin ang kani-kanilang vlogs.


Ang totoo, parang tunay na anak na ang turing ni Kris kay Miles dahil naging close sila mula nang gumanap si Miles na anak ni Kris sa isang dating serye ng ABS-CBN.


Adopted daughter nga ang sabi ni Kris tungkol kay Miles kaya hindi ito dapat bigyan ng malisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page