'Di na nakatiis… HEAVEN, NAGSALITA NA SA PANG-AAGAW DAW KAY KIKO KAY DEVON
- BULGAR

- Mar 14, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 14, 2021

Nagtataka si Heaven Peralejo, maging ang kanyang pamilya, kung bakit nasasangkot ang Kapamilya star sa breakup nina Kiko Estrada at Devon Seron.
Unang-una, sinabi ng dalaga na wala siyang maalala at ni kahit saang anggulo, hindi siya romantically linked kay Kiko.
Sa naging pahayag ni Heaven sa kanyang Instagram Stories nitong nakaraang Biyernes, March 12, itinanggi niyang siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kiko at Devon ilang linggo pa lang ang nakararaan.
Paglilinaw ng young actress, “Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.”
Bagama't magkasama sina Heaven at Kiko sa teleseryeng Bagong Umaga sa ABS-CBN, hindi raw ito sapat para siya ang iturong "third party" o ang nang-agaw kay Kiko sa gf nitong si Devon.
Paglilinaw niya, “I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.
“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do. To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”
Masakit daw para sa kanya na akusahan siya sa isang bagay na wala siyang kinalaman at alam din daw niyang mas lalong masakit ang dating sa mga taong apektado ng tsismis.
Ani Heaven, “I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved. Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.
“Anyway, there are far more important issues that we should concern ourselves with.
“Stay safe everyone!” mensahe niya.
Sa kasalukuyan, dedma pa rin sina Kiko at Devon sa mga tanong ukol sa hiwalayan nilang dalawa, kung bakit nga ba sila naghiwalay at ano at sino ang 'anaconda' sa kanilang relasyon.





Comments