'Di na kinaya ang tawag na kabit ni Aljur… AJ, TODO-SORRY KAY KYLIE, BABU NA RIN SA SOCMED
- BULGAR
- Oct 22, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 22, 2021

Nag-sorry si AJ Raval kay Kylie Padilla at sa publiko sa ginawa niyang pagre-repost ng statement ng rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.
Matatandaang last Tuesday nang mag-post si Aljur sa kanyang Facebook account kung saan ay ibinunyag niya na si Kylie ang nangaliwa kaya sila naghiwalay.
Ini-repost din ito ni AJ sa kanyang FB page pero binura niya rin matapos makatanggap nang katakut-takot na pamba-bash.
In a selfie video posted on her TikTok account, nag-apologize at nagpaliwanag si AJ sa kanyang ginawa.
"Tungkol ‘to sa statement ni AJ (Aljur) na shinare ko. Gusto ko lang i-explain bakit ko shinare.
Hindi naman sa nakisawsaw ako sa issue nila. Shinare ko ‘yun kasi I’m trying to protect myself and my family also,” simula ni AJ.
“People are accusing me sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Tinatawag nila akong ‘kabit’, tinatawag nila akong ‘homewrecker’, which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya, never akong maninira ng pamilya,” patuloy ng sexy actress.
Hanggang sa pati raw ang pamilya niya ay nadamay na at dito na siya naapektuhan.
“Well, nu’ng una, tinatanggap ko pa ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon, nadadamay na family ko, sobrang affected ako. ‘Yung nanay ko, nakikita kong umiiyak, naapektuhan ako du'n,” she said.
Wala raw siyang pakialam sa issue nina Aljur at Kylie at kahit narinig na niya ito noon pa ay never siyang sumawsaw dahil alam niyang wala siyang karapatan na magsalita tungkol dito.
Nai-share raw niya ang post ni Aljur dahil sa bugso ng kanyang emosyon dahil nga nasasaktan siya.
“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry. And also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun. It’s not my intention to hurt anybody.
I was just trying to protect myself.
“'Yun nga lang, mali ‘yung way ko. Pero na-realize ko rin na baka nga tama kayo, I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan at sa lahat po ng nagalit.
Pasensiya na po at sana, mapatawad n'yo ako,” saad ng sexy actress.
Nagpasalamat din si AJ sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa kanya.
Sa huli ay inanunsiyo ng bagong Pantasya ng Bayan na magpapaalam muna siya sa social media.
“Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace. Sana matapos na ‘to kasi bugbog na talaga ‘yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Magso-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media,” she announced.





Comments