'Di mahanap ang true love, Cherry Pie… EDU, SA DAMI NG NAGING GF, LAGING HIWALAY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 23, 2021

"In a relationship” ang status ngayon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Mismong ang mga kasamahan nila sa seryeng Marry Me, Marry You ang nagsasabing may “something special” na ang dalawa.
Mukhang nagkadebelopan nga sina Edu at Cherry Pie habang nasa teyping ng kanilang serye. At inamin na rin naman ni Manzano ang real score sa kanila ni Cherry Pie.
Marami naman ang nagtataka-nagtatanong kung ano ba ang mga katangiang hanap ni Edu Manzano sa isang babae? Bakit sa paghihiwalay lagi nauuwi ang kanyang pakikipagrelasyon?
Alam ng buong showbiz ang love story nila ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Sa Las Vegas sila nagpakasal dahil nagsu-shoot sila noon ng pelikula. Si Luis Manzano ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Pero, after 5 years ay nagkahiwalay na sila.
Sumunod namang pinakasalan ni Manzano ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Hindi sila nagkaroon ng anak at naghiwalay din pagkatapos ng ilang taong pagsasama.
Naging nobya rin ni Edu ang sexy star na si Anjanette Abayari. Sumunod naman ay ang non-showbiz girl na si Rina Samson.
Ang huling showbiz personality na naging GF ni Manzano ay ang news anchor dati ng ABS-CBN na si Pinky Webb. Pero, hindi rin tumagal ang kanilang relasyon.
At ngayon, si Cherry Pie ang “apple of the eye” ni Edu, isang bagay na labis na ipinagtataka ng marami.
Ang tanong ng mga netizens ay kung tatagal ba ang kanilang relasyon? Seryoso ba si Manzano kay Cherry Pie? At handa ba ang aktres sa maaaring kahantungan ng kanilang love story ni Edu?
Well, deserve naman ni Cherry Pie ang lumigaya at magkaroon ng love life. Marahil, may mga katangian si Edu na kanyang nagustuhan kaya na- fall siya sa tatay ni Luis Manzano.
Ang wish naman ng mga kaibigan nila sa showbiz ay magtagal ang kanilang pagmamahalan. At sana nga, si Cherry Pie na ang true love ni Edu Manzano para may forever.





Comments