‘Di ma-take na sapaw ang Pop Princess… GENEVA, TINAWAG NA ‘QUEEN OF POP’, INAWAY NG FANS NI SARAH
- BULGAR

- Feb 8, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 8, 2021

Isa sa ten celebrity contenders ng Your Face Sounds Familiar si Geneva Cruz at sa kanyang social media account ay may ipinost siyang hindi niya inaasahang siya ay mananalo.
Aniya, “Hindi ko po inaasahan na manalo, ang gusto ko lamang po ay ang mag-enjoy sa pag-transform into my favorite music icons. Everyone is cool, mukhang masaya ito. This is just what the country needs kasi ang daming negative vibrations ‘di ba? #music and #laughter are always good for the soul.”
Humingi rin si Gen ng paumanhin sa mga fans ni Sarah Geronimo dahil binigyan siya ng ABS-CBN ng titulong Queen of Pop.
Si Sarah kasi ang tinaguriang Royalty Pop Princess at nag-react daw ang mga fans ng singer-actress nang ibigay ang title na Queen of Pop kay Geneva.
Ayon naman sa former vocalist ng Smokey Mountain, nagulat siya nang tawagin siyang Queen of Pop.
Ani Geneva, “I didn’t ask them to give me that title. Nagulat na lang din ako nang ‘yan ang tawag nila sa akin. I just want to be called by my name, and I only want to perform and not offend anyone. Please don’t be upset with me.”
Sinabihan na rin daw niya ang executive producer ng ABS-CBN na baguhin ang description sa kanya para walang confusion.
Komento naman ng mga netizens sa mga fans ni Sarah, “Toxic naman ng mga fans. Jusko, nu’ng peak ni Geneva as Smokey Mountain member, walang-wala sa kalingkingan ‘yung idol nilang puro flat notes.”
“Weh, ‘di rin naman ganu’n kagaling si Geneva.”
“Mas lalo naman si Sarah na contest singer na gaya-gaya lang sa foreign artists.”
“Itong idol mong overrated, sige nga, parinig nga na walang semplang? Netflix show nga niya, sablay ang mga cover songs. ‘Kaloka ka.”
“As for Sarah G, no comment na lang sa mediocre singing niya. Lol.”
“Toxic talaga ang Popsters, naalala ko mga 2 years ago yata, may isang artista na nag-post ng photo with Matteo (Guidicelli) kasi may hosting/endorsement gig sila. Inaway na agad ng Popsters ‘yung girl, nakakaloka.”





Comments