'Di lilipat sa GMA-7... PIOLO, NAGPRAMIS NA KAPAMILYA PA RIN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 13, 2021

Sa ipinalabas na ASAP Natin 'To nu'ng Linggo (July 11), nagselebreyt ang programa kung saan nagsama-sama ang mga "Kapamilya forever".
Bukod sa mga artistang nasa studio, may ilan ding nagpahayag ng pasasalamat sa mga Kapamilya viewers sa pamamagitan ng pre-recorded videos.
Ilan dito sina Piolo Pascual at Popstar Sarah Geronimo-Guidicelli.
Pansamantalang nawala si Piolo sa Kapamilya Network nang magpaalam itong gagawin ang SNL (Sunday Noontime Live) sa TV5. Tumakbo lang naman ng halos tatlong buwan ang SNL na nag-umpisa ng October, 2020 hanggang January, 2021.
Mula nang mawala ang SNL ay hindi na napapanood sa boobtube si Papa P.
Kaya marami ang nagulat nang magbigay siya ng mensahe at pagbati nu'ng Linggo sa mga Kapamilya viewers.
Sambit ng guwapong aktor, "Kapamilya, thank you for continuing to let us into your homes through all the different available platforms.
"As we face a lot of hardships and difficulties this last year, your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino."
Sa dulo ng mensahe ni Papa P, sinabi niyang “Maraming salamat po, I’ll see you soon."
Ang sumunod na ipinakita ng ASAP ay ang video ni Sarah.
"Mga Kapamilya, nandito pa rin ang ating pamilya dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa’t isa.
"Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinapatunayan na ang magkakapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo."
Lately ay may naglalabasang lilipat daw ang Popstar Royalty sa GMA-7. At may pahapyaw ding lumabas na may nag-o-offer din kay Papa P..
Pero, dahil sa pagbati nilang ito, malinaw na mananatili silang Kapamilya at hindi lilipat tulad nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Gayunpaman, tuloy ang pagpo-promote ng GMA-7 para sa Tala: The Film Concert ni Sarah na ipapalabas sa istasyon soon.
May komento naman ang mga netizens tungkol kina Sarah at Papa P.
“Wala nang interest ang Kapuso kay Sarah G. kasi lipas na prime n'yan. GOOD JOB, GMA.”
“Walang interest? Pero nasa GMA 'yung concert n'ya? Haha! 'Katawa ka! Both GMA at TV5 ay may offer kay Sarah pero loyal kasi 'yan.”
“Talaga ba? Kaya pala binili ng GMA ang rights ng Tala Concert n'ya!”
“Niligawan ng TV5 and GMA si Sarah."
“Walang interest? Kung kay Bea lang, eh, mas winner sila sa dalawang 'yan, hahaha!”
"Anyare kay Papa P.? Balik-ABS ulit? Nilunok ang prinsipyo?"
Sa amin pong pagkakaalam, pansamantala lamang na nagpaalam sa ABS-CBN si Papa P, kaya any moment ay puwede po siyang bumalik sa Kapamilya.
May nagsasabi namang “Plastic ni Sarah, Kapamilya, hindi nag-iiwanan, eh, iniwan n'ya nga tunay niyang pamilya.”
Ipinagtanggol naman si Sarah ng isang fan, “Girl, super toxic na po kasi ng nanay. Nasa 30s na siya and yet, super controlled pa rin s'ya ng nanay n'ya. Sino ba ang hindi tatakas sa ganu'n, aber?”
"'Yung loyalty ni Piolo, na kay Mr. M. Kung talagang Kapamilya forever 'yung kuya mo, hindi 'yan tatalon sa Ka-S months after silang nagsara. Ni 'di mo nga alam baka pinabasa lang 'yan ng script. Eh, this week, paglitaw ni Mr. M sa GMA, nasa GMA na rin 'yan kinabukasan."





Comments