top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di lang sina Sunshine at Lovi… BEA BINENE, LILIPAT NA RIN SA ABS-CBN

  • BULGAR
  • Apr 23, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 23, 2021




Hindi lang pala sina Sunshine Dizon at Lovi Poe ang magiging bahagi ng Kapamilya Network. Pati pala si Bea Binene na matagal nang Kapuso ay mawawala na rin at lilipat na.


Nag-expire na ang kontrata niya sa GMA-7 at hindi na siya ni-renew ng management, kaya no choice si Bea kundi humanap ng malilipatang network.


Labis naming ikinagulat na pinakawalan na ng GMA Network si Bea na nagsimula pa noong StarStruck Kids kasabay ni Miguel Tanfelix. Marami rin siyang nagawang serye sa Siyete at kasama siya sa batch ng Tween Academy na ibini-build-up noon para sumikat.


Kasabay niya sina Barbie Forteza, Alden Richards, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Louise delos Reyes, atbp..


Naging magka-love team sila ni Jake Vargas, pero nagkahiwalay din.


Bukod sa acting, luminya rin si Bea sa hosting. Maganda ang naging training niya sa programang Good News kasama ni Kara David.


Co-host din siya nina Arnell Ignacio at Tuesday Niu sa programang Oh My Job tuwing Sabado nang umaga. So, out na ba si Bea sa mga programang ito?


Nagtataka-nagtatanong ang mga netizens kung bakit naudlot ang pagsikat niya, eh, ang tagal-tagal na niya sa GMA Network? Ano ang kulang sa kanya?


Milya-milya na ang layo sa kanya ni Barbie Forteza kung sa galing sa pag-arte at popularidad ang pagbabasehan.


Well, sa pagkakaalam namin ay may mga negosyo naman itong si Bea Binene na puwede niyang pagkaabalahan. Isa na nga rito ang coffee shop na siya mismo ang barista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page