'Di lang si Pia… MAJA, DAMAY NA RIN SA MGA PASABOG NI JANUS LABAN KAY GERALD
- BULGAR
- Aug 26, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 26, 2021

Hindi na-intimidate si Janus del Prado ng death threats and bashing sa social media dahil sa mga pinakawalan niyang mensahe laban sa dating katrabaho na si Gerald Anderson, bagkus ay mukhang mas naging palaban si Janus and more revelations were unveiled.
At dahil sa mga rebelasyong inilabas ni Janus, nagpistang lalo ang mga netizens sa socmed. Pati ang mga dating isyu kay Gerald ay binuhay ng mga netizens.
"So, totoo nga na may nangyari sa kanila ni "P" noon? Hala loko-loko."
"Nag-sorry man lang ba 'yang P na 'yan kay B? Parang hindi rin yata."
"The tea has been spilled!!!"
Kung may nanakot kay Janus, may mga netizens din naman na nagpakita ng suporta.
"True, hahaha! Kaya kay Janus, I support you. Spill more tea pa!"
"Go, Janus! Hahaha."
Bukod sa letter "P", may letter "M" din na binanggit ang mga netizens.
"Halata naman na totoo kasi P & M were never the same."
"Naku, lumang issue na 'yan! Nabalita na 'yan dati pa! Akala ko naman, bago ang ii-spill mo! 'Yan siguro epekto ng walang trabaho, 'no? Pilit na binabalikan ang nakaraan!"
"Sinu-sino mga letters na 'to... spill the tea, mga sis."
Madali namang hulaan kung sino 'yung letter "P" dahil hanggang ngayon, natatanong pa rin siya about Gerald kapag iniinterbyu. Bago pa man naugnay si Gerald kay letter "J," si "P" muna.
And now, pati si Maja Salvador na na-link din kay Gerald ay inungkat muli ng mga netizens. Pero apela ng iba, sana raw ay 'di na isali ang mga nakaraang female celebs na natsismis kay Gerald.
"Sana lang, 'di na siya nandamay pa ng tao na nananahimik na para lang patunayan 'yung point niya. Sobrang tagal na nu'n, eh."
"Sana, dati pa siya nagsalita. What triggered him? 'Yung pagso-sorry ni Gerald kay Bea? Eh, ano ba dapat? Huwag mag-sorry? Naayos naman na pala friendship nila ni Bea, eh, so ano pang problema? The fact na ipinagtanggol, ibig sabihin, somehow you understand Gerald at that time. Kung alam mong mali ginagawa, bakit mo ipagtatanggol? Tawag du'n, kinunsinti."
'Yun na!








Comments