top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di lang si Billy… VICE, IN-UNFOLLOW NA RIN SI KUYA KIM AT DATING DIREK NG IT'S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 16, 2021





Tinapos na nga ni Billy Crawford ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda nang i-unfollow niya ang comedian-host sa Instagram. At si Vice naman ay nag-unfollow na rin kina Billy, Kim Atienza at Direk Bobet Vidanes.


Kaya naman shocked ang mga fans at viewers ng It's Showtime. Hindi nila sukat-akalain na hahantong sa ganu'ng kaganapan ang matagal na samahan ng mga It's Showtime hosts.


Si Billy ay may mga shows na sa TV5. Si Kuya Kim naman ay okey ang kalagayan sa GMA Network.


Sa panahon ng pandemya, kailangan ng mga artista ang trabaho at exposure upang maka-survive at buhayin ang kanilang pamilya.


'Wag nang hadlangan kung humanap man sila ng bagong bahay o network na magbibigay sa kanila ng trabaho. Magrespetuhan na lang at 'wag magpersonalan.


Nakakapanghinayang kung tatalikuran natin ang mga kaibigang matagal nakasama sa trabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page