'Di lang resort… KC, NAGPAPATAYO NG BUILDING SA PALAWAN
ni Nitz Miralles @Bida | Abril 3, 2024

Nag-bonding si KC Concepcion at ang mga kapatid na sina Garie at Samantha Concepcion sa rest house ng dad nilang si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas.
First time yata na nagkasama-sama ang tatlong anak ni Gabby, kaya tama ang caption
ni KC na: “Core memories unlocked with my sisters. A weekend to remember.”
Pinusuan at positive ang comments sa post na ito ni KC, lalo’t ngayon lang nakita na magkakasama sina Gabby at Garie at sina KC at Garie. May nag-wish tuloy na sana, may time na makasama rin nila ang sister nilang si Cloie Syquia Skarne.
Isa sa mga napansin ng mga netizens, maganda ang rest house ni Gabby, kaya gustung-gusto nitong mag-stay doon kapag wala siyang trabaho. May pumansin din na hindi nagkakaedad si Gabby at hindi nga mukhang lolo na courtesy of Garie and Michael Pangilinan.
Speaking of KC, balitang hindi lang rest house ang ipinapatayo nito sa San Vicente, Palawan, kundi isang building. Hindi kaya boutique hotel ang ipatatayo ni KC lalo na at nagiging tourist haven na rin ang San Vicente?





Comments