'Di lang kasal ang naudlot… KRIS, KUMANTANG 'DI NA RIN TULOY ANG BAHAY NILA NG FIANCE
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 6, 2020

Sa latest YouTube vlog ni Kris Bernal, ibinahagi niya na sa May, 2021 sana ang target nilang magpakasal ng fiancé na si Perry Choi, pero dahil sa COVID-19 pandemic, naudlot muna ang mga plano nila.
Aniya, "May, 2021 pa talaga siya, ang naging problema lang namin siguro, hindi ka makapag-reserve ngayon. Hindi kami makapag-book ng church, hindi kami makapagbuo ng team, talagang wala, zero planning kami ngayon. Hindi namin inaasikaso, hindi mo rin sure kung kailan, eh. Hindi mo rin sure kung matutuloy sa May, 2021, 'di ba? So, talagang stop muna.”
Dagdag ng Kapuso actress, hindi rin muna natuloy ang plano nilang magpagawa ng bahay bago ikasal.
"Siguro, talagang naapektuhan, our house plans. Gusto kasi naming magpatayo ng bahay bago kami ikasal para when we get married, may sarili na kaming bahay, may uuwian kami. Sobrang naapektuhan talaga 'yun. Nag-start na lahat ng planning, ng drawing, ng design and all, pero natigil na nga,” pahayag ni Kris.





Comments