‘Di lang daw pinatulan ng unang ex niya… ELLEN: NOT ONCE BUT TWICE HINAMON NG SUNTUKAN NI DEREK SI JOHN LLOYD
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 23, 2026

Photo: John Lloyd Cruz, Ellen Adarna at Derek Ramsay
Tuluy-tuloy pa rin ang birada at pasabog ni Ellen Adarna laban kay Derek Ramsay.
Sa pa-Q&A ng dating sexy actress sa kanyang Instagram (IG) Story, may nagtanong na netizen kung binibigyan ba siya ni Derek ng allowance as his wife at duty daw kasi ‘yun ng isang mabuting asawa.
Sagot ni Ellen, “Sus day, it was a topic before, ‘no? Like you know, husbands giving allowances to their wives and witness ang mga friends ko nito. They were there when he said it — ‘Bakit ko bibigyan ng allowance ‘yung asawa ko? Ano siya, pokp*k? Bayaran?’”
Ini-reveal din ni Ellen na hinamon ni Derek ng away si John Lloyd Cruz na ama ng panganay niyang anak na si Elias.
“Fun fact — hinamon din n’yang away si JL in real life #truth,” aniya.
Kasunod nito ay sinabi niyang marami ang nag-message sa kanya at ibinahaging wala namang suntukan na naganap between JLC and Derek dahil hindi raw pinatulan ng una ang huli. Pagbubulgar pa niya, dalawang beses daw itong nangyari.
“Hahaha! Daming nag-message. Basta ang importante, ang ending, ‘di s’ya pinatulan, walang suntukan kasi puro s’ya parang chihuahua na hypnotize ata si JL sa dami n’yang sinabi, naguluhan at nalito, LOL (laugh out loud). This happened twice,” lahad ni Ellen.
Natanong din sa kanya kung kumusta na ang group chat nila ng mga ex ni Derek.
Aniya, hindi lang mga ex-girlfriends ni Derek ang kasama sa GC kundi maging kaibigan at ilang pamilya ng aktor.
“So to be honest ‘day, no, ang kasama sa group chat, ‘di lang ex-girlfriends. And I didn’t create that group chat. I was invited. There are ex-friends, ex-best friends, ex-girlfriends and ex-family members of his, and some family members of his that’s part of the group chat. So yeah, interesting. Active pa rin ‘yung GC (group chat),” sey ni Ellen Adarna.
BACK-TO-BACK ang pasabog ni Primetime King Coco Martin. Matapos niyang ianunsiyo na pagbibidahan nila ni Julia Montes ang pinakabagong ABS-CBN primetime teleserye na Sigabo, kasabay nito ang pag-arangkada ng huling tatlong linggo ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Tuluy-tuloy na mapapanood si Coco dahil pagkatapos maghari ang BQ bilang pinakapinapanood na teleserye sa Pilipinas mula 2023, may bago siyang handog sa pagbabalik-tambalan nila ni Julia para sa action-romance seryeng Sigabo na magsisimulang umere sa Marso 16, Lunes.
“Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Si Juls ngayon, pukpukan ang training. Nag-aaral s’ya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Inakma namin ‘yung kuwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time naming magla-light. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi,” pahayag ni Coco sa TV Patrol.
Nagpatikim din siya sa mga dapat abangan sa serye at sinabing, “Halos lahat ng mga kasama namin, mga comedian. Tapos episodic s’ya, iba-ibang kuwento, iba-ibang mission. Para iba-ibang experience every week.”
Kasabay ng pagbuo ng pasabog na opening ng Sigabo, binalikan din ni Coco ang masasayang alaala sa pagtatapos ng BQ.
“Nu’ng ginalaw ko na ‘yung kuwento, ginalaw ko na ‘yung mga characters, naramdaman kong parang hanggang dito na lang ‘yung takbo ng buhay ni Tanggol sa Quiapo. Ang hirap lumabas sa bibig, ang hirap tanggapin din na matatapos na,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Salamat po sa tatlong taong pagsuporta at pagmamahal ninyo sa Batang Quiapo. Nagiging emotional ako kasi hirap na hirap talaga kami. Sobrang hirap talaga ng paggawa ng Batang Quiapo. ‘Di lang ang pagbuo kundi ‘yung pag-arte, all aspects of the crew, directors at production.”
Personal din na inimbitahan ni Coco ang lahat na samahan siya sa ‘Ang Huling Laban ni Tanggol’ finale ng FPJ’s Batang Quiapo dahil raratsada na ang pinakamaaksiyon nilang bakbakan.
“Sana po samahan ninyo kami. Ipinapangako po namin sa inyo na sa loob ng tatlong taon, itong tatlong linggong ito ay isa sa ‘di ninyo malilimutang teleserye na mapapanood ninyo gabi-gabi,” aniya.
Sa nakalipas na mahigit tatlong taon, pumukaw sa puso’t damdamin ng sambayanang Pilipino ang FPJ’s Batang Quiapo kung saan tinutukan ang serye saanmang platform ito umere sa TV at online, pati noong nag-premiere ito sa ALLTV2 noong Enero.
Bumabaha rin sa social media ang mga viral na eksena at iconic lines mula sa serye at paulit-ulit nitong sinira ang sarili nitong online viewership record na umabot sa all-time high na mahigit isang milyong concurrent viewers.
Para mapanood ang huling tatlong linggo ng BQ sa Kapamilya Channel at sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control at hanapin ang ALLTV2.
Sabay-sabay tutukan ang finale ng FPJ’s Batang Quiapo at abangan ang Sigabo na pinagbibidahan nina Coco at Julia simula Marso 16.




Comments