top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 23, 2026



John Lloyd Cruz, Ellen Adarna at Derek Ramsay

Photo: John Lloyd Cruz, Ellen Adarna at Derek Ramsay



Tuluy-tuloy pa rin ang birada at pasabog ni Ellen Adarna laban kay Derek Ramsay.

Sa pa-Q&A ng dating sexy actress sa kanyang Instagram (IG) Story, may nagtanong na netizen kung binibigyan ba siya ni Derek ng allowance as his wife at duty daw kasi ‘yun ng isang mabuting asawa.


Sagot ni Ellen, “Sus day, it was a topic before, ‘no? Like you know, husbands giving allowances to their wives and witness ang mga friends ko nito. They were there when he said it — ‘Bakit ko bibigyan ng allowance ‘yung asawa ko? Ano siya, pokp*k? Bayaran?’”

Ini-reveal din ni Ellen na hinamon ni Derek ng away si John Lloyd Cruz na ama ng panganay niyang anak na si Elias.


“Fun fact — hinamon din n’yang away si JL in real life #truth,” aniya.

Kasunod nito ay sinabi niyang marami ang nag-message sa kanya at ibinahaging wala namang suntukan na naganap between JLC and Derek dahil hindi raw pinatulan ng una ang huli. Pagbubulgar pa niya, dalawang beses daw itong nangyari.


“Hahaha! Daming nag-message. Basta ang importante, ang ending, ‘di s’ya pinatulan, walang suntukan kasi puro s’ya parang chihuahua na hypnotize ata si JL sa dami n’yang sinabi, naguluhan at nalito, LOL (laugh out loud). This happened twice,” lahad ni Ellen.


Natanong din sa kanya kung kumusta na ang group chat nila ng mga ex ni Derek.

Aniya, hindi lang mga ex-girlfriends ni Derek ang kasama sa GC kundi maging kaibigan at ilang pamilya ng aktor.


“So to be honest ‘day, no, ang kasama sa group chat, ‘di lang ex-girlfriends. And I didn’t create that group chat. I was invited. There are ex-friends, ex-best friends, ex-girlfriends and ex-family members of his, and some family members of his that’s part of the group chat. So yeah, interesting. Active pa rin ‘yung GC (group chat),” sey ni Ellen Adarna.



BACK-TO-BACK ang pasabog ni Primetime King Coco Martin. Matapos niyang ianunsiyo na pagbibidahan nila ni Julia Montes ang pinakabagong ABS-CBN primetime teleserye na Sigabo, kasabay nito ang pag-arangkada ng huling tatlong linggo ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Tuluy-tuloy na mapapanood si Coco dahil pagkatapos maghari ang BQ bilang pinakapinapanood na teleserye sa Pilipinas mula 2023, may bago siyang handog sa pagbabalik-tambalan nila ni Julia para sa action-romance seryeng Sigabo na magsisimulang umere sa Marso 16, Lunes.


“Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Si Juls ngayon, pukpukan ang training. Nag-aaral s’ya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Inakma namin ‘yung kuwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time naming magla-light. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi,” pahayag ni Coco sa TV Patrol.


Nagpatikim din siya sa mga dapat abangan sa serye at sinabing, “Halos lahat ng mga kasama namin, mga comedian. Tapos episodic s’ya, iba-ibang kuwento, iba-ibang mission. Para iba-ibang experience every week.”


Kasabay ng pagbuo ng pasabog na opening ng Sigabo, binalikan din ni Coco ang masasayang alaala sa pagtatapos ng BQ.


“Nu’ng ginalaw ko na ‘yung kuwento, ginalaw ko na ‘yung mga characters, naramdaman kong parang hanggang dito na lang ‘yung takbo ng buhay ni Tanggol sa Quiapo. Ang hirap lumabas sa bibig, ang hirap tanggapin din na matatapos na,” sabi niya.


Dagdag pa niya, “Salamat po sa tatlong taong pagsuporta at pagmamahal ninyo sa Batang Quiapo. Nagiging emotional ako kasi hirap na hirap talaga kami. Sobrang hirap talaga ng paggawa ng Batang Quiapo. ‘Di lang ang pagbuo kundi ‘yung pag-arte, all aspects of the crew, directors at production.”


Personal din na inimbitahan ni Coco ang lahat na samahan siya sa ‘Ang Huling Laban ni Tanggol’ finale ng FPJ’s Batang Quiapo dahil raratsada na ang pinakamaaksiyon nilang bakbakan.


“Sana po samahan ninyo kami. Ipinapangako po namin sa inyo na sa loob ng tatlong taon, itong tatlong linggong ito ay isa sa ‘di ninyo malilimutang teleserye na mapapanood ninyo gabi-gabi,” aniya.


Sa nakalipas na mahigit tatlong taon, pumukaw sa puso’t damdamin ng sambayanang Pilipino ang FPJ’s Batang Quiapo kung saan tinutukan ang serye saanmang platform ito umere sa TV at online, pati noong nag-premiere ito sa ALLTV2 noong Enero.


Bumabaha rin sa social media ang mga viral na eksena at iconic lines mula sa serye at paulit-ulit nitong sinira ang sarili nitong online viewership record na umabot sa all-time high na mahigit isang milyong concurrent viewers.


Para mapanood ang huling tatlong linggo ng BQ sa Kapamilya Channel at sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control at hanapin ang ALLTV2.


Sabay-sabay tutukan ang finale ng FPJ’s Batang Quiapo at abangan ang Sigabo na pinagbibidahan nina Coco at Julia simula Marso 16.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 16, 2022




Maraming nagmamahal kay Kris Aquino ang nalungkot sa paghihiwalay nila ng fiancé niyang si Mel Sarmiento. Hanggang ngayon ay palaisipan sa mga netizens kung ano talaga ang tunay na dahilan at bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ng dalawang prominenteng personalidad.


Though sinabi naman ng Queen of All Media na health condition niya ang rason ay ayaw pa ring maniwala ng mga netizens. May mas malalim pa raw na dahilan dahil alam naman daw ng former DILG secretary na may sakit na si Kris bago naging sila.


May isang concerned netizen ang nag-message sa IG account ni Kris.


Ani ng netizen, "GET WELL SOON MADAM. ALWAYS REMEMBER MADAMI NAGMAMAHAL SA 'YO KAHIT WALA SI *** #lovelovelove"


Sinagot ni Kris ang post-message, "It's not my loss #truth"


Komento naman ng ibang netizens, "Hope Kris can be happy and healthy with her sons, family and many blessings. Romantic relationships aren't that amazing. The magic doesn't last and what comes after is hard work and compromises, often from women, to be very honest. In many ways being single or separated or divorced is a bigger blessing, at least once you've healed and gained stability."


"Ayusin mo na lang health mo," hirit ng isa pana siya namang ginagawa ni Kris alang-alang sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimb.


"Actually, not his loss also. Pareho kayong 'di kawalan sa isa't isa! Kasi both are mayaman, both may estado sa buhay, both matured in age, so set aside na 'yung ways in life. Ayaw mag-adjust, kaya nga siguro nag-clash kayo 'coz both are stubborn, 'yung isa, selfish, 'yung isa naman, ma-pride, ayan ending!"


Pag-agree naman ng isang netizen, "This! Natumbok mo lahat, haha! Pero mas more on du'n ako sa selfish and controlling 'yung isa. I like Kris pero talaga naman, she's too much to handle, sobrang independent niya and headstrong, parang hindi uso ang compromise."


"Need ni Kris ng stable and mature relationship. Pero magbe-bend sa gusto niya, 'di ko alam kung may lalaki na successful (in his own field) na papayag na sundin lahat ng whims and drama niya in life. Sana, she finds happiness and contentment in solitude."


Puna naman ng isang commenter sa sagot ng momshie nina Josh at Bimb, "Akala ko ba, Kris, ikaw nakipag-break? Bakit you sound bitter?"


"Uh oh... may bitterness ang reply. Ooops, hanggang d'yan na lang sana. 'Di ba, sabi mo mananahimik ka na tungkol kay ***?"


"Ang hirap ding ispelengin nitong si Kris. She is so petulant and madaling magtampo. Me, me, me, me na lang lagi."

"In ferness kay MS (Mel), 'di nagsasalita. Marami raw gustong mag-interview but he turned it down. It's wise kasi hahaba pa usapan, focus na lang lahat sa paggaling ni Kris!"


"Sayang 'yung relasyon nila. We don't know the real reason sa breakup, pero sa lahat ng naging BF ni Tetay, siya ang bagay sa kanya, matured, achiever, mayaman din 'yun, wala silang social gap! Sayang, get well soon na lang, Tetay, mas importante health mo kesa mga lalaki!"


"Bitter mo, Kris. Siguro, hindi siya hinabol ni guy."


"If he cannot accept the life you have, then he is not for you."


"Kris: 'It's Not My Loss!' All the Exes: (****crickets***)."


Payo naman ng isang netizen, "Sana mag-off muna siya ng social media niya at magpalakas siya."


"Kris, tumahimik ka na. Forget and move on na. 'Wag ka na pa-stress pa. Look at urself. You are not getting better."


"Her worst enemy is herself. Imbes na nagpapahinga, eto siya."


"It’s not her loss but it affects her health."


Sana nga, pansamantalang isara ni Kris ang kanyang social media account nang sa ganu'n ay hindi siya nai-stress sa mga komentong nababasa tungkol sa kanila ng ex-fiance.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 15, 2022




Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga nagpahatid ng pag-aalala at nagsabi na ipagdarasal siya sa kanyang pinakahuling Instagram post.


In fact, may mga netizens-followers niya sa kanyang IG ang sinagot ni Kris.


“GET WELL SOON MADAM, ALWAYS REMEMBER, MADAMI NAGMAMAHAL SA 'YO KAHIT WALA SI ***,” comment ng netizen.


Nag-reply ang isang netizen ng “Mel?”


Nag-post din ng reply si Kris sa comment ng netizen sa unahan.


Say ni Kris, “It’s not my loss. #truth.”


Inayunan ng netizen ang sinabi ni Kris, “Girl, you’re too good for him."


“Yes exactly! Not your loss!”


“@krisaquino korek ka d'yan! Someday, your prince will come... Be well and choose to be happy!”


Sa last part ng caption ni Kris sa kanyang recent IG post, inunahan na niya ang mga netizens na mag-i-speculate na si former DILG Secretary Mel Sarmiento ang kanyang pinatamaan when she mentioned na knows niya kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa kanya.


“To protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, rosaries, prayer books, ice cream, and so much more I am refraining from any gratitude posts,” lahad ni Kris.


Karugtong pa ng caption niya, “To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po 'yung ex-fiancé ang pinatatamaan, kung siya, pinangalanan ko na lang.)”


Sa kabila nito, may umaasa na magkakabalikan sina Kris at Mel. Shookt but true, hah?


“Fighting! Still hoping there will be a second chance for you and ***#lovelovelove”

O, ‘di ba?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page