top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di lang daw pera-pera… JOHN LLOYD, ISA SA MGA DAHILAN KAYA LUMIPAT SI BEA SA GMA-7

BULGAR
Jul 4, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 04, 2021




Maraming naka-line-up na guestings ngayon para kay Bea Alonzo matapos ang pag-welcome sa kanya bilang Kapuso. Naririyan ang 24-Oras, Unang Hirit, Mars Pa More, All-Out Sundays at Kapuso Mo, Jessica Soho.


Sobrang na-excite si Bea sa magiging interview sa kanya ni Jessica Soho na sa kanyang farm sa Zambales gagawin. Magkakaroon din daw sila ni Jessica Soho ng collab sa kanyang vlog.


Overwhelming para kay Bea Alonzo ang mainit na pagtanggap sa kanya sa GMA Network. Sobra-sobra ang importansiyang ibinigay nito sa kanya.


Maging ang ilang major stars ng Kapuso ay nagpahatid ng pagbati sa kanya tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Carla Abellana atbp..


Career move para kay Bea ang paglipat sa GMA Network. Hindi naman pera-pera lang ang dahilan kaya tinanggap niya ang offer ng GMA-7. Artist siya na kailangang gawin ang nakasanayang trabaho.


Maging ang veteran broadcast journalist na si Karen Davila ay ipinagtanggol si Bea sa mga bashers.


Marami ang nagsasabing plus factor si John Lloyd Cruz kaya pinili ni Bea na maging Kapuso. Alam niyang magkakasama uli sila ni John Lloyd dahil may offer din sa aktor ang GMA Network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page