'Di lang daw nagpi-PDA… XIAN, UMAMING SAGANA SA PAGMAMAHAL NI KIM
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 2, 2021

Nag-solo ang magkasintahang sina Kim Chiu at Xian Lim after ma-busy silang pareho on their respective careers.
Sinundo ni Xian si Kim na naka-locked-in taping sa Clark, Pampanga para sa It’s Showtime.
After the show, nag-road trip na ang magkasintahan papuntang Subic, Olongapo para sa kanilang weekend getaway.
Pagbalik ng Manila, naisip nila na sagutin ang 10 questions ng kanilang mga fans para sa magkahiwalay na vlog nina Kim at Xian.
On Kim’s part, sinagot niya ang tanong kung ano ang favorite nilang gawin pareho, at ‘yun ay ang mag-travel at kumain.
Nami-miss na raw nilang mag-travel sa ibang bansa. Given a chance, gusto raw nilang bumalik sa Switzerland and Finland, sabi ni Xian.
“Yeah, ‘yung dalawang ‘yun, gusto namin ‘yun. Sobrang na-happy kami doon,” pagsang-ayon ni Kim sa sinabi ni Xian.
May nagtanong din if there’s any project for KimXi very soon.
“Uh, depende. We’re still waiting for the right project at kung ano ang mangyayari sa KimXi,” say ni Xian.
In-encourage naman ni Kim si Xian na sulatin na ang istorya ng pelikulang gagawin nila.
Pagkatapos ay nagkabiruan na may halong kaseryosohan na si Xian na rin ang magdirek at sila na rin ang producer.
Inamin din nila na hindi perfect ang kanilang long relationship. Wala naman daw ganu'n. Pero, ishinare nila ang sikreto ng kanilang relasyon.
“Loyalty, of course. ‘Yun ang pinaka-ano, loyalty and trust sa partner mo. Loyal ka and loyal ‘yung partner mo. And then, may tiwala ka sa partner mo na hindi siya gagawa ng kalokohan, ‘di ba? Iwas sa mga duda-duda. Selos-selos for sometimes. Pero okey lang ‘yun,” esplika ni Kim.
Sumang-ayon naman si Xian sa mga sinabi ni Kim. Dagdag lang ni Xian ay kailangang trabahuhin din ang relasyon ng bawat isa para sila tumagal na magkasama.
Duty and obligation daw ng bawat isa na pasayahin ang isa’t isa.
Lastly, may nagtanong kay Kim kung bakit siya nahihiyang magsabi ng ‘I love you’ kay Xian.
Si Xian ang sumagot sa tanong ng netizen, “Huh? Parang sagana ako sa I love you. Saan nakuha ‘yung idea, hehe, na nahihiya si Kim na mag-I love you?”
Hindi lang daw talaga sila ma-PDA gaya ng ibang magkarelasyon. Sadyang ganoon lang daw kasi ang personalities nila.
Ganern.





Comments