top of page
Search
  • BULGAR

'Di lang basta tanggap, suportado pa… GERALD, KA-BONDING NA SA BEACH NG PAMILYA NI JULIA

ni Melba R. Llanera - @Insider | March 25, 2021




Kahit kabi-kabila pa rin ang pambabatikos at pamba-bash ng maraming netizens sa relasyong Julia Barretto at Gerald Anderson, masaya at kuntento hindi lang ang magkasintahan kundi maging ang pamilya ng aktres sa relasyon nito sa Kapamilya actor.

Pagkatapos mag-post ni Marjorie ng birthday greeting para kay Julia kung saan may mensahe ito na ngayon niya nakita ang anak sa pinakamasayang lebel ng kaligayahan, nag-post naman ang nakakatandang kapatid ni Julia na si Dani Barretto-Panlilio sa kanyang IG account ng isang beach photo kung saan kasama ng pamilya nila si Gerald.


Nasa larawan si Marjorie, ang anak na si Leon, Julia at Gerald, Claudia at ang mag-asawang Dani at Xavi na magkakaakbay at masaya.


Kuha ang larawan sa isang beach resort at may caption na, "Mi Familia (white heart emojis) (insert Millie and Erich here)."


Si Millie ay anak nina Dani at Xavi, samantalang si Erich naman ay bunsong anak ni Marjorie kay Cong. Recom Echiverri.

Tila wala nang makakapigil sa relasyong Gerald at Julia lalo't buo ang suporta na ibinibigay ng pamilya ng aktres sa relasyon nila ng boyfriend.


Mukhang wala rin namang negatibong epekto sa career ng dalawa ang ginawa nilang pag-amin dahil tuluy-tuloy ang mga proyektong gagawin nila. Malapit nang mapanood si Gerald sa seryeng Init sa Magdamag ng ABS-CBN samantalang si Julia naman ay balitang handa nang gumawa ng mga daring at sexy roles ngayong Viva na ang humahawak ng kanyang showbiz career.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page