‘Di lang ang suot na parehong yellow… PASILIP NG BOOBS NINA PIA AT HEART SA MILAN FASHION WEEK, PINAGKUKUMPARA RIN
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 1, 2026

Photo: IG _piajauncey & _iamheart
Sa Milan Fashion Week naman rumarampa sina Anne Curtis, Pia Wurtzbach-Jauncey at Heart Evangelista. Pero kina Pia at Heart naka-focus ang rivalry ng kani-kanilang fans. Nagbibilangan na naman sila kung sino sa dalawa ang mas maraming invitation sa fashion show at kung saan sila nakaupo.
Mabuti at hindi pa dumating sa pagandahan at pasosyalan ng hotel kung saan naka-billet o naka-check-in ang dalawa dahil pati iyon, pinagkukumpara.
Pati nga kung kaninong mga reels ang mas maganda ay isyu sa mga fans nina Heart at Pia. Comment tuloy ng casual fan, hindi nae-enjoy ng mga nag-aaway na fans ang pagrampa ng dalawa dahil kung saan-saan sila naka-focus.
Bale ba, may rampa sina Heart at Pia na pareho silang naka-yellow ensemble. Magkaibang fashion show iyon, pero may pagkukumpara pa rin lalo na at pareho silang may pasilip ng boobs sa mga suot.
Si Pia Wurtzbach ay sa Tod’s fashion show nag-attend at may pa-boobs ito. Si Heart Evangelista naman ay sa Moschino fashion show rumampa at may pa-boobs din.
So far, wala pa kaming nababasang negative sa pasilip ng boobs ng dalawa, pero for sure, may mga pagkukumparang magaganap. Hintayin lang natin!
Kahit join na uli sa grupo…
SUGAR, OUT SA SHOW NG SEXBOMB ABROAD
DAHIL sa Stars On The Floor (STOF), hindi makakasama si Sugar Mercado sa out of the country show ng Sexbomb Girls. Sayang nga raw, kaya lang, may pinirmahan siyang kontrata sa GMA-7 para sa STOF at nag-e-enjoy naman siya at may talent fee pa, kaya may kapalit ang hindi niya pagkakasama sa mga out of the country gigs ng Sexbomb.
Habang may STOF pa, hindi siya puwedeng lumabas ng bansa at sa mga shows ng Sexbomb sa Pilipinas, puwede siya kung walang taping. Otherwise, manahimik siya at dito lang siya.
“I’m so proud and happy to be here, happy ako to be with the beautiful girls. Sa dance floor lang kami magkakalaban, off-cam we are friends,” wika ni Sugar.
Paulit-ulit din nitong sinabi na ginagawa niya ang lahat para sa mga anak niya dahil single mom siya. Kaya tuwang-tuwa ito nang purihin ni Marian Rivera sa kasipagan, pagiging propesyonal at hindi pag-atras sa mga challenges.
Kinilig din si Sugar sa introduction sa kanya ng STOF, “A standout of the iconic Sexbomb Girls, Sugar Mercado rose to fame dominating stages with explosive energy, effortless comedic timing and irresistible charisma. The Mrs. Universe title holder is ready to prove she can own the spotlight under pressure.”
Hosted by Alden Richards, si Sugar Mercado ay kabilang sa Celebrity Dance Stars contestant. One million pesos yata ang prize ng mananalong pair at para sa kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat.
NATUWA ang mga fans ni Mark Herras na malamang solid pa rin ang family nila ni Nicole Donesa at hindi sila naghiwalay gaya ng inakala.
Heto nga’t magkasama nilang isinelebreyt ang eight months ng baby girl nilang si Mija.
Sa photo, masaya ang family of four at comment at payo ng mga netizens, huwag maghihiwalay sina Mark at Nicole.
Maawa raw sila sa dalawa nilang anak na nakadepende sa kanila. Ang guwapo at ang ganda raw ng mga anak nila para lang sila ay maghiwalay.
Anyway, natapos na naman yata ang isyu kay Mark at back to work na siya. Nabanggit nitong may project siya sa GMA-7 at ang misis naman niya ay focused sa weight loss journey nito.




Comments