top of page
Search

'Di lang ang misis… RICHARD, NAGPAGUPIT DIN AFTER NG HIWALAYAN NILA NI SARAH

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | December 11, 2023




Nakakatuwa ang mga comments sa Instagram post ni Richard Gutierrez na bagong gupit siya at kahit siguro si Richard, matatawa kapag nabasa. 

 

Isa sa mga comments na nagpatawa sa amin ay: “Aww, akala ko babae lang nagpapagupit after ng hiwalayan, charizz.”

 

Nasanay kasi tayo na kapag bagong hiwalay, madalas, ang babae ang nagpapagupit. Sa kaso nina Richard at Sarah Lahbati, pareho silang nagpagupit. Nauna lang si Sarah na nagpagupit at para sa mga Marites, senyales ‘yun na totoo ang tsismis na hiwalay na ang mag-asawa.

 

At least, nakapagpagupit na si Sarah bago pa ma-interview si Annabelle Rama at ibinalitang sa bahay nila nakatira si Richard at ang dalawa niyang apo nang one month na, pero palipat na ng bahay sa Alabang.

 

Isa pang  napansin ng netizen, parehong pumayat sina Richard at Sarah at ang payo nga kay Sarah, magpataba nang konti lalo na at balik-trabaho na siya. Mas maganda raw siyang tingnan kapag may laman.

 

0 comments

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page