'Di kailangang ma-confine — UP-PGH... Romualdez, ikinulong na

by Jeff Tumbado @News | September 15, 2026

Photo: Dumating si DILG Sec. Jonvic Remulla sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas upang inspeksiyunin ang magiging kulungan ni dating House Speaker Martin Romualdez na nakatakdang ilipat mula sa Philippine General Hospital sa Maynila. (Jeff Tumbado)
Iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang paglipat kay dating House Speaker Martin Romualdez mula sa UP-Philippine General Hospital (UP-PGH) patungo sa Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas, matapos suriin ang kanyang kondisyon.
Batay sa independent medical evaluation ng UP-PGH, stable na ang kondisyon ni Romualdez at hindi na niya kinakailangang manatili sa acute-care hospital.

Photo: DILG
Gayunman, kailangan pa rin niya ng tuluy-tuloy na medical care, kabilang ang blood pressure monitoring, mga gamot, paggamit ng CPAP machine at psychiatric treatment, at follow-up.
Inatasan din ang jail authorities na tiyaking maa-access niya ang kanyang mga gamot, CPAP machine at mga doktor kung kinakailangan.
Nakatakda naman ang arraignment at pre-trial ni Romualdez sa kasong plunder sa Miyerkules, Setyembre 16, alas-8:30 ng umaga.





Comments