'Di inalok ng ABS-CBN? CLAUDINE, BALIK-GMA-7
- BULGAR
- Oct 20, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 20, 2023

Iba-iba ang reaksiyon ng mga fans sa ibinalita ni Claudine Barretto na babalik na siya sa paggawa ng teleserye.
Ipinost nito ang photo ng interview sa kanya ni Lhar Santiago ng 24-Oras. Ang mga fans ni Claudine, natuwa dahil ang mahusay daw na artistang gaya niya ay dapat active pa rin hanggang ngayon.
Pero meron namang nalungkot na sa GMA-7 uli siya mapapanood dahil hinihintay siya ng Kapamilya fans sa ABS-CBN. Tanong ng mga nalungkot, wala raw bang offer ang ABS-CBN kay Claudine?
Kabilang sa mga nag-comment ay si Anne Curtis at tinawag na “Queen” si Claudine na sinagot nito ng “You’re my Queen, my baby sis.”
Si Gladys Reyes, kinongratyuleyt si Claudine at marami raw ang nag-aabang dito.
Kasama rin sa mga nagpahayag ng tuwa sa bagong TV project ni Claudine ay sina Rita Daniela, Sherilyn Tan, Almira Muhlach at Sunshine Cruz.
Wala pang binanggit na details si Claudine sa balik-teleserye niya at ang sabi lang, “LOVE & LIARS, finally my Claudinians/Palanggas, my teleserye that we have been waiting for, thank u so much to GMA, Regal & @arnold_vegafria .”
Love and Liars ang title ng gagawing teleserye ni Claudine at makakasama niya sina Rob Gomez, Yasser Marta, Kimson Tan at Mikee Quintos.
Kundi kami nagkakamali, si Director Joey Reyes ang sumulat ng script at wala pang nabanggit kung sino ang director.





Comments