top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di DOM na pulitiko… BF NI WINWYN, BATA PA AT GUWAPO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 24 , 2021





Kahit pasilip lang ang ipinakita ni Winwyn Marquez sa hitsura ng kanyang BF, marami ang nagsasabing guwapo ito at halos kaedad lang ng aktres-beauty queen.


At least, hindi naman pala DOM ang karelasyon ngayon ni Winwyn. May mga espekulasyon kasi na baka raw isang richie-richie na businessman ang ama ng ipinagbubuntis ni Winwyn.


May ilang nagsasabi na baka isa itong pulitiko kaya hindi niya maibunyag ang pagkatao nito.


Anyway, nasa tamang edad na rin naman ang Kapuso actress at handang-handa na siyang maging ganap na ina.


Hindi maitago ang saya at excitement sa hitsura ni Winwyn nang aminin niya sa media na siya ay six months preggy na! At ang lakas daw niyang kumain ng kanin noong siya ay naglilihi.


Mas magkakaroon ng kahulugan ang Pasko kay Winwyn dahil sa biyaya ng pagdating ng kanyang baby at pagkakasali ng movie niyang Nelia sa darating na MMFF 21.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page