top of page
Search
  • BULGAR

DESIGNER NI HEART NA SI MARK BUMGARNER, KAY MARIAN NA NGAYON

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 27, 2022




Sa Paris, France nag-Pasko si Heart Evangelista kaya lalong tumibay ang bali-balitang may marital problem nga sila ni Sen. Chiz Escudero. Hanggang sa New Year na mamamalagi roon si Heart na ang dahilan ay may aayusing problema sa kanyang stylist at sa kanyang glam team.


Nakarating din sa amin na maging ang kaibigang sikat na fashion designer na si Mark Bumgarner ay nakatampuhan din niya at nagkaroon sila ng falling out.


At lalong nabigyan ng kulay at naiintriga ang lahat nang lumipat si Bumgarner kay Marian Rivera.


Siya ang gumawa ng mga isinuot na outfit ni Marian sa pictorial para sa cover ng Preview Magazine.


Kaya, marami ang nagtataka-nagtatanong kung ano ang nangyayari ngayon kay Heart na pati ang kanyang glam team at designer ay kanyang nakatampuhan. May pinagdaraanan ba si Heart ngayon? Hindi ba niya pinanghihinayangan ang kanilang mga pinagsamahan?


Well, mismo ngang si Sen. Chiz ay natiis at kinaya niyang iwanan noong Pasko. Sino pa ang daramay at magbibigay sa kanya ng moral support?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page