DERRICK, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BADING SIYA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 11, 2024

Inamin ng Kapuso star na si Elle Villanueva na hindi maganda ang naging impresyon niya kay Derrick Monasterio noong una niyang makita at makilala. Akala niya ay presko, mayabang at chickboy si Derrick kaya hindi niya gaanong pinapansin.
Pero nang makapareha na niya ito sa seryeng Return to Paradise ng GMA-7 noong 2022, saka niya nakilala ang tunay na pagkatao ni Derrick.
Napalapit ang loob niya sa aktor at lumalim ang kanilang relasyon nang magkasama sa revenge seryeng Makiling.
Samantala, nang mag-guest si Derrick sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsahang naitanong sa aktor ang isyu tungkol sa kanyang gender. Kumalat kasi na gay si Derrick na agad naman nitong itinanggi.
Well, hindi naman na kailangang pagdudahan pa ang gender ni Derrick dahil aminado naman itong in love siya kay Elle. At in fact, kahit pa taken na siya, ang dami pa ring kababaihan ang kinikilig sa kanya nang mag-guest siya kamakailan sa It’s Showtime.





Comments