DEREK, OKS LANG KAHIT IMBITAHIN NI ELLEN SI JOHN LLOYD SA KASAL NILA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 27, 2021

Viral ang larawan ng mag-amang John Lloyd Cruz at Elias Modesto nang
um-attend sila sa wedding ng pinsan ni JLC.
Si Elias ay anak ni Lloydie kay Ellen Adarna na ikakasal na rin sa fiancé nitong si Derek Ramsay.
Sa isa ngang interbyu kay Derek, nang matanong kung iimbitahan ba nila si JLC sa kanilang kasal ni Ellen, sagot nito, “That’s up to Ellen. I wouldn’t mind if she decides that she would want him there to see Elias. Siya ang ring bearer namin.”
Anyway, sa video ng kasal ng pinsan ng aktor, makikitang inaalalayan ni John Lloyd si Elias na naglalakad sa aisle. Feeling tuloy namin ay isa sa mga ring bearer ang bagets.
And if it’s true, nauna pang mag-ring bearer si Elias sa kasal ng pinsan ni Lloydie kesa kay Ellen na malapit na ring ikasal.
Wala po kaming ibig sabihin dito, ha?





Comments