top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

DEREK, FEELING TATAY SA ANAK NI ELLEN, 'DI NAMAN NAGAWA SA SARILING ANAK

BULGAR
Mar 28, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 28, 2021




Happy family nang maituturing sina Derek Ramsay, Ellen Adarna at Elias Modesto.

Sabi nga ng Kapuso actor sa isang interbyu, “I think she’s the one. And I say it’s going to happen quick. Seriously. Like no joke.”


Kahit saan magpunta sina Ellen at Derek, kasama ng aktres ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.


Sa mga kuhang larawan ng tatlo, feeling-tatay si Derek.


Pinansin naman ito ng ilang netizens at may nag-comment na, “Hahaha…instant tatay.”

Hindi ito pinalagpas ni Derek at sumagot ng, “What is wrong with that?! Single moms are beautiful strong women!”


May point naman si Derek at hindi lang si Ellen ang ipinagtanggol niya ru'n kundi maging ang iba pang single moms na nasa katulad din na sitwasyon ng aktres.


Opinyon naman ng iba, masakit daw 'yun sa part ni Derek.

“But deep inside of him, OUCH, it really hurts.”


Hindi naman kaila sa showbiz circle na isa na ring ama ang aktor.


“Tatay naman talaga si Derek. Sana, ipinagmalaki rin niya ang anak niya.”


Sagot ng isa, “Ang tanong, nagpakatatay ba siya sa anak niya?”


Komento ng isa pa, “True! 'Di ko maintindihan 'yung mga lalaking nagpapakatatay sa anak ng GF nila, pero sa sarili nilang mga biological na anak, dedma.”


Parang hindi naman pinabayaan ni Derek ang anak niya sa una niyang nakarelasyon. Teen-ager na ang anak niya at marami naman ang nagsasabing sa actor nakatira ang bagets.


“Hello, nasa bahay niya 'yung anak n'ya. 'Di lang ipinapakita sa socmed pero kasama niya. Tignan n'yo pic nila ni Ellen with Derek's whole family, 'andu'n 'yung anak n'ya sa bahay ni Derek. Maka-bash lang, eh.”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page