top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DEREK AT ANDREA, NAG-AWAY DAW NANG MATINDI, HIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 17, 2020




Pinagtatakhan ng mga Instagram followers nina Derek Ramsay at Andrea Torres kung bakit wala na silang mga larawang magkasama, gayung dati naman ay punumpuno ito ng mga sweet photos nila.


Trulili kayang hiwalay na sila?


Tsika naman sa amin ng aming source, “May matindi silang away, hindi pa nagkakaayos.”


Parang kailan lang ay nainterbyu pa sina Andrea at Derek nina Suzie Entrata-Abrera at Camille Prats sa programa nilang Mars Pa More at inaming handa na nilang i-level-up ang kanilang relasyon na ibig sabihin ay mauuwi na sa kasal.


Matatandaang nagkamabutihan sina Derek at Andrea sa seryeng The Better Woman at inamin din nila ang kanilang relasyon noong Setyembre, 2019 na noo'y kakahiwalay lang din ng aktor sa kasintahang si Joanne Villablanca.


At may YouTube channel din ang dalawa na AnDrek Vlogs na may 284K subscribers, na ang huli nilang post ay nitong Setyembre 2020.


Bago lang ang gusot nina Derek at Andrea dahil magkasama pa sila sa bahay nitong Nobyembre 5 nang dumalaw si Dra. Vicki Belo para sa home visit episode vlog kasama ang anak na si Scarlet Snow na may titulong Visiting Derek Ramsay’s Home (Exclusive Peek at His Car Collection!).


Naka-post ang nasabing video sa IG account ni Derek.


At dahil bagong gawa at mas malaki ay naitanong ni Dra. Belo kung ito na ang dream house ng aktor.


“I want to start my family here,” sagot ni Derek.


Nasa bahay din ni Derek si Andrea nu'ng mga sandaling iyon dahil tinuturuan daw siyang maglaro ng golf.


So, ano ang final answer, Derek at Andrea? Nananatiling bukas ang BULGAR sa inyong pahayag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page