top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

DENNIS, NAGHUBAD SA LOVE SCENE NILA NI BEA, FANS NAPASIGAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 18, 2023



Hindi nagtagal sa pa-dinner ng GMA-7 sa cast ng Love Before Sunrise si Dennis Trillo dahil kahapon nang umaga, lumipad sila ni Jennylyn Mercado (with their kids siguro) for a vacation in Bangkok. Tinapos lang ni Dennis ang presscon at airing ng pilot episode ng nasabing series at nagpaalam na.


Nagbakasyon ang mag-asawa dahil naging busy sa kani-kanyang trabaho. Si Jennylyn, nagte-taping ng Love. Die. Repeat nila ni Xian Lim at si Dennis, bukod sa taping ng Love Before Sunrise ay naging busy sa promo nito. Umabot pa nga sila sa GenSan ni Bea to promote their series.


Nagsigawan pala ang nakapanood sa pilot episode ng series nina Dennis at Bea hindi lang dahil sa may kilig ang kanilang tambalan, kundi dahil may love scene sila.


Naghubad si Dennis sa nasabing eksena, dahilan para magsigawan ang mga fans. Kahit ang dalawang bida, nagulat tiyak sa naging reaction ng mga fans.


And speaking of Dennis, inamin nito sa presscon na na-star struck siya kay Bea sa first few days ng kanilang taping.


“Na-star struck talaga ako at lagi kong tsinetsek ang breakdown ng mga eksena namin. Box Office Queen kasi siya, nakaka-pressure at nakakakaba. Once nakuha ko na ang rhythm and camaraderie sa set, tuluy-tuloy na,” sabi ni Dennis.


Mararamdaman nga sa mga eksena nila ni Bea ang tinukoy ni Dennis na rhythm dahil swak sila sa kanilang mga eksena sa mapanakit na series.


Mula ito sa direction ni Mark Sicat dela Cruz at associate director niya si Carlo Cannu.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page