top of page
Gary V. - IG.jpg

DENNIS, MATINDING SAMPAL ANG NATIKMAN KAY BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 18, 2023



Katatakutan na rin palang kaeksena si Bea Alonzo ng ibang artista dahil iba siyang umarte kapag nake-carried away sa kanyang role, tulad ng nangyari sa kanila ni Dennis Trillo sa Love Before Sunrise.


Kahit role lang ng isang mahirap, lutang na lutang ang malakas na personalidad ni Bea na hindi basta nagpapaapi kahit kanino.


Napaka-intense umarte ni Bea at in character talaga siya sa mga eksena niya sa serye nila ni Dennis na umeere sa GMA Network. Nadadala talaga siya.


Natikman nga ni Dennis ang matinding sampal ni Bea. Nag-sorry naman si Bea sa kanyang kapareha. Wala siyang intensiyon na manakit ng kanyang co-star.


Well, hindi lang ang sampal nina Maricel Soriano, Celia Rodriguez at Jaclyn Jose ang katatakutan ngayon ng mga artista. Kasama na si Bea Alonzo na malakas din palang manampal.


Sa sobrang intense ng acting niya ay tinototoo niya ang pagsampal sa kanyang kaeksena. Hindi kaya ni Bea ang mandaya ng sampal kapag nake-carried away siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page