top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

DENNIS, IDINAAN SA SOCMED ANG PANUNUMBAT KAY JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 29, 2021





Na-bash, napagalitan, napagsabihan, nasumbatan at pinayuhan si Dennis Padilla ng mga netizens dahil sa comment nito sa post ni Ivana Alawi na nag-advice sa mga anak ng: “Advice ko sa inyo, dapat, habang buhay ang parents n’yo o may kaaway kayo, 'wag n’yo nang hintayin na mawala ‘yung tao. Just always forgive and love that person and give time.”


Ini-repost ni Dennis sa kanyang Instagram ang post ni Ivana at nag-comment ng “Great advice” na kung may mga naka-relate, mas marami ang naniwalang subtle shade o parinig ni Dennis ‘yun sa mga anak, lalo na kay Julia Barretto.


Na-bash si Dennis dahil nag-invite raw ng bashing kay Julia ang kanyang comment at sa kanyang ginawa, mas lalalim kung may conflict man sila ni Julia at sa iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto.


Inakusahan tuloy si Dennis na ginagamit si Julia para siya’y pag-usapan at magkaisyu.


Marami ang nagalit sa ginawa ni Dennis


May mga nagpayo naman sa kanya na kausapin nang diretso ang mga anak at ‘wag idaan sa social media kung may tampo man siya.


May iba naman na kung makasumbat kay Dennis ay parang alam ang lahat ng nangyari at nangyayari sa mag-aama.


In fairness kay Dennis, hindi sinasagot ang bashing sa kanya at ganu’n din naman si Julia, hindi nagre-react kapag nabubuhay ang isyu sa kanilang mag-ama.


Sana lang, magkatotoo ang wish ng mga nagmamahal sa mag-ama na in perfect time, maging maayos sina Dennis at Julia at mga kapatid nito.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page