Dela Rosa kay PBBM: ‘Wag mo akong isuko sa ICC
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 13, 2026

Photo: Ronald Bato Dela Rosa - FB
Umapela si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag siyang isuko sa International Criminal Court (ICC) sa gitna ng pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya dahil sa kontrobersyal na war on drugs.
Kasalukuyang nananatili sa Senado si Dela Rosa na nasa ilalim ng protective custody sa gitna ng warrant of arrest ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinasangkutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Mr. President, alam kong wala kang personal na galit sa’kin. Sana naman bilang ama ng ating bansa, alagaan mo ang iyong mga anak. Alagaan mo ang lahat ng mga Pilipino,” wika ni Dela Rosa sa mga mamamahayag.
“Huwag niya ako ipadala sa The Hague... Pareho tayong Pilipino, kung meron akong pananagutan, panagutan ko sa ating local court, huwag sa banyaga,” saad ng senador.
Noong Lunes, tinangka ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Dela Rosa sa loob ng Senado.
Makikita sa kuha ng CCTV ang pagtakbo ng senador sa hagdan at corridors patungo sa Plenary Hall para iwasan ang mga humahabol sa kanya na nakasuot ng sibilyan.
Matatandang lumutang si Dela Rosa sa Senado sa unang pagkakataon mula noong Nobyembre 2025 upang dumalo sa plenary session.
Hindi siya dumalo sa anumang sesyon sa Senado sa gitna ng sinasabing naglabas ang ICC ng warrant of arrest laban sa kanya.





Comments