Dela Pisa at Labadan, may silver at bronze sa Budapest
ni MC - @Sports | September 1, 2021

Naibulsa nina Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan ang medalya sa individual all-around events ng Gracia Cup 2021 rhythmic gymnastics competition sa Budapest, Hungary.
Naiuwi ng 18-year-old na si Dela Pisa ang bronze sa Senior-A category ng kompetisyon habang si Labadan, 15-anyos, ay sumungkit ng silver sa 2006-A division. Umiskor sina Dela Pisa ng 16.57 sa ball at 15.1 sa clubs habang si Labadan ay may 15.9 points sa clubs at 15.4 sa ribbon.
Matatandaang, nagwagi ng ginto si Dela Pisa sa hoop, at dalawang bronze sa ball at clubs sa 2019 Southeast Asian Games sa Manila. Lumalaban si Labadan sa dalawa sa apat na apparatus at nagtapos na 52nd sa 136 participants sa 1st FIG Rhythmic Gymnastics Junior World Championship noong 2019.
Samantala, siniguro ni boxing legend Oscar de la Hoya na marami pa itong paiiyaking fighters sa muli nitong pagbabalik sa itaas ng ring sa September 11 kontra kay dating UFC world champion na si Vitor “The Phenom” Belfort na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Sinabi ni De la Hoya na kahit 13 taon na ang lumipas sa huli niyang laban matapos talunin ni Manny Pacquiao, hindi pa umano nagbabago ang kanyang lakas at bilis lalo pa at hinahanap hanap ng kanyang katawan ang boksing.
Ibinida pa ng tinaguriang Golden Boy ng boksing na kakaiba ang ginawa niyang training para maipagpag niya ang kanyang kalawang sa katawan.
Kung tutuusin daw, hindi naman siya nagretiro sa pagboboksing matapos na sumurender siya sa laban kay Pacquiao noong taong 2008.





Comments