Datung, mauubos lang daw… PACQUIAO, PINAAATRAS NI MOMMY D. SA PAGKA-PANGULO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 11 , 2021

Kumakalat ngayon ang tsika na gusto na rin daw umatras sa laban ni Sen. Manny Pacquiao.
Maraming malalapit sa People's Champ ang nagpapayo na mag-back-out na siya sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.
At mismong ang kanyang mother dear na si Mommy Dionesia ang nagpapayo kay Pacman na umatras na sa presidential race. Malaking pera raw ang uubusin ng People's Champ sa kanyang kandidatura.
Kaya kung si Mommy D. lang daw ang masusunod, ayaw na niyang tumakbo ang anak sa pagka-pangulo. Okey naman ang buhay ni Pacquiao ngayon, lalo na't nagretiro na rin siya sa boxing.
Pero, mas marami ang nagsasabing hindi ang People's Champ ang klase ng taong aatras sa anumang laban na kanyang sinimulan. Dead serious si Pacman sa pangarap na baguhin ang senaryo ng pulitika sa 'Pinas at naniniwala ang Pambansang Kamao na nakatakda siyang manalo dahil 'yun ang nakaguhit sa kanyang palad.
Well, let's see. Abang-abang na lang kung may mababago pa bago dumating ang 2022 national election.





Comments