top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dating Sergio, Senyora na… DINGDONG, NAG-AYOS-BABAE, MARIAN, KINABOG SA GANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 9, 2026



BIDA - DINGDONG, NAG-AYOS-BABAE, MARIAN, KINABOG SA GANDA_IG _gmanetwork

Photo: IG _gmanetwork / The Master Cutter



Pinatawa ni Dingdong Dantes ang mga nakakita ng larawan niya na ayos-babae, mula sa damit, buhok at make-up. Bahagi ito ng disguise ng aktor para sa action series niyang The Master Cutter (TMC).


Sabayan pa ng mga nakakatawang comments ng fans gaya ng “‘Yung parang mga kontrabida sa AI (artificial intelligence) drama,” “Parang malditang tita,” “‘Yung nagsawa na s’ya sa Sergio role kaya naging Senyora Santibañez na lang s’ya,” “Marian Rivera, sorry po, may nanalo na,” “Tawang-tawa ako sa ‘yo, Dong, ang galing mo talaga,” at “Sorry, Marian Rivera. Dito kami sa ganda n’ya.”


May isa pang larawan si Dingdong na ganito ang ayos, kasama ang co-stars sa nabanggit na action series na nakaayos-babae rin, kaya lalong natawa ang mga fans. 

Sabi tuloy ng isang fan, hindi pa man naipapalabas ang episode na naka-disguise-babae si Dingdong at mga kasama, natatawa na sila.


Personal na ring inimbitahan ni Dingdong ang mga fans na patuloy na subaybayan ang TMC at kinumpirma ang pagkakaroon ng Season 2 na magsisimula sa October 14. 

Marami pang disguise na gagawin si Dingdong, kaya abang-abang lang.

And speaking of Dingdong, sa October 10 na ang first trailer drop ng movie nila ni Marian Rivera na Remember. Be the first to watch the trailer ng movie na nabanggit ni Marian. Siguradong magugustuhan ito ng lahat!





RAMDAM ang excitement ni Anne Curtis nang i-congratulate ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith sa bago nitong project. Big film project ang gagawin ng aktres, kaya tama lang ang excitement ni Anne nang mag-comment ng (as is), “Congratulations to my sestraaaa! So excited for this!!!”


Ang tinukoy ni Anne na film project ni Jasmine ay ang rom-com na We Could Be in Love kung saan makakapareha niya ang aktor na si Yao (Thomas Pang). Kasama rin sa cast sina Lou Diamond Phillips, Tamlyn Tomita, Jamie Chung, at Airline Inthyrath (Jujubee).


Kukunan sa New York at Manila ang rom-com movie to be directed by Fil-Am Marie Jamora. Produced ito ng Tiger & Dog Productions with screenplay by Terence Chen. Next year ang target playdate ng movie na ngayon pa lang, marami na ang excited.


Well, ang maganda kina Anne at Jasmine, nagsusuportahan at tuwing may project ang isa sa kanila, asahang nakasuporta agad ang isa. Gaya nito, ipinost ni Anne ang article ng The Hollywood Reporter announcing the film project ni Jasmine.





MALAKI na ang unico hijo nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Lucho Agoncillo, at may magandang birthday greeting ang kanyang mom/aktres ngayong 16 years old na ito.


Mensahe ni Juday, “Our birthday boy... the simplest kid I know, with simple joys. He just wanted to watch a movie for his bday, nothing else. Oh, my boy, one of my favorite roles to date is being a mom to you, Mats and Pot. Watching you grow up and become that fine young man makes mama’s heart so happy and proud. 


“You do you, with God’s guidance and love. I have nothing to worry about, you know your values by heart, my love. You’ll be fine. Mama and Dada will always be here, always... I love you so much, Juan Luis. Happy birthday, my favorite you.”


Samantala, isa si Judy Ann sa mga tumanggap ng Dekada Award mula sa MMPRESS para sa pelikula niyang Mindanao. Nagpasalamat ang aktres sa panibagong award na natanggap niya.


“Proud and grateful! Maraming salamat sa Golden Screen Awards for this recognition,” pasasalamat ni Juday.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page