Dating BFF, tablado... PACQUIAO, NAKIPAGBATI KAY DUTERTE PERO ‘DI KAY CHAVIT
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 15, 2021

Kinagulat ng marami ang pakikipagbati ni Sen. Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dati si Pacman at ang pangulo nang akusahan ni Sen. Manny na corrupt ang mga ahensiya ng gobyerno.
Nagkaroon ng palitan ng masasakit na salita, kaya hindi inaasahan ng marami na magkikita on a friendly manner sina Pacman at P-Duterte. Ano raw ang hidden agenda sa kanilang pagbabati?
Well, ang hinihintay at inaabangan ngayon ay kung magkakaayos si Sen. Manny at ang BFF niyang si Mayor Chavit Singson.
Malalim ang pagkakaibigan nina Pacman at Chavit. Marami silang pinagsamahan noong hindi pa sikat na boksingero ang Pambansang Kamao. Buong-buo ang kanilang pagiging magkumpare at nasubaybayan ni Mayor Chavit ang journey ng boxing career ni Manny hanggang sa tanghaling world-class boxer na nagkamit ng 8 Division Championship Belt.
Labis na dinamdam ni Mayor Chavit ang ginawang panlalaglag sa kanya ni Sen. Manny kaya hindi ganu’n kadali ang magpatawad sa dating kaibigan.





Comments