Dating BFF, hindi na ngayon… AIKO, UMAMING SOBRANG NASAKTAN SA GINAWA NI CANDY, AYAW MAKIPAGBATI
- BULGAR
- Jan 19, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 19, 2021

Patok ang team-up nina Aiko Melendez at Ogie Diaz kapag guest nila ang isa’t isa sa kani-kanilang YouTube channel dahil bukod sa good vibes ay marami kang malalamang lihim na pinag-uusapan ng magkumpare dahil sa pagiging taklesa ng aktres.
Sa Truth or Lie episode ni Ogie sa kanyang YT channel ay natanong siya ni Aiko ng, “Galit ka ba kay Alfred Vargas? Kasi ka-Facebook kita at naka-public ka naman, medyo nasisita-sita mo si Alfred. Personal ba ‘yung galit mo sa kanya?”
Kumunot ang noo ng komedyante-vlogger-talent manager at sabay tanong sa aktres, “Sa'n ko nasulat, Aiko, na galit ako?”
Natigilan si Aiko, “Oh, my God, napag-usapan lang pala natin, nadulas ako. Hahahaha!”
Natawa na lang din si Ogie, “'Yan ang sinasabi ko, eh. Nadulas si Aiko, eh.”
Tawang-tawa ang aktres at pabulong pa ring tinanong si Ogie, “Wala ka bang nasulat sa ano mo, sa wall mo?”
Mabilis na sagot ni Ogie, “Wala!”
“Ay! Hahahahaha! Blind item nga pala ‘yun. Hahahaha!” tumatawa uling sabi ni Aiko. "Sorry, hindi mo ako puwedeng i-guest dito, nadudulas ako.”
“So, ano ang tanong mo,” sambit ng ninong nina Andre at Marthena (mga anak ni Aiko).
“'Yun nga, kung may galit ka kay Alfred Vargas?”
“Wala," sey ni Ogie, pero hindi naniwala si Aiko.
"Eh, di meron, so happy?” dugtong ni Ogie.
“'Yung galit ko, hindi personal, siguro, tampo lang na hindi siya nanindigan sa botohan. Okay lang ‘yung iba like sina Dan Fernandez na yes to shutdown, si Yul Servo, yes to shutdown. Siya (Alfred), nag-abstain siya. Once upon a time, nakatulong din naman ang ABS-CBN kay Alfred.
“At nagpakilala rin naman ang ABS-CBN sa kanya para mapunta siya kung nasaan siya sa posisyon niya ngayon. So, 'yun ang tampo ko. Sana, hindi ka nag-abstain, either yes or no! So, 'pag ganu’n, mas may bayag pa sina Dan Fernandez at Yul Servo. Hinahangaan ko sila kasi may bayag sila. Pero hindi nangangahulugan na gusto ko sila,” paliwanag ni Ogie.
"Tatakbong senador daw si Alfred, sa tingin mo, mananalo?" pahabol pa ng aktres.
“Ay, good luck. Hindi ako ang magde-decide diyan, ang mga tao ang magde-decide,” saad ni Ogie.





Comments