Dating alalay, kahit artista na… ANAK NI MOI, SI PIOLO ANG NAGPAPAARAL
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 3, 2023

Maraming may inggit factor kay Moi Bien dahil sa sobrang closeness nila ni Piolo Pascual.
Halos lahat ng mga kababaihan ay gustong makalapit sa tinaguriang Ultimate Heartthrob.
Suwerte nga raw ni Moi dahil lagi niyang nakakasama at nayayakap ang aktor.
Dating personal assistant ni Papa P si Moi mula pa nang unang nag-showbiz ang actor. Si Papa P din ang nagbigay ng chance na maging artista si Moi.
May mga videos na ipino-post si Moi kung papa'no sila magharutan ni Papa P na kinaiinggitan ng maraming may pagnanasa sa aktor.
Hindi na iba ang turing ni Papa P kay Moi, isa nang miyembro ng pamilya. Maging ang anak nga ng aktor na si Iñigo Pascual ay sobra ring malapit kay Moi.
Sa isang panayam kay Moi, naikuwento niya ang current relationship niya sa dati niyang boss.
Aniya, kahit hindi na raw siya nagwo-work kay Papa P ay nananatili pa rin ang closeness nilang dalawa.
“Lagi po siyang nandiyan kahit wala na ako sa kanya,” pagbabahagi niya.
Masaya raw siya dahil nakasuporta pa rin ang aktor sa kanya.
“Sobrang proud po siya sa akin. Nagmo-monitor po siya sa akin ng IG Story ko kaya bawal akong mag-post ng hindi kaaya-aya. At saka bawal akong mag-post na may jowa, kaya itatago ko na lang,” dagdag pa ni Moi.
Ayon pa sa komedyana, “Lagi po siyang nandiyan kahit wala na ako sa kanya. Lagi po siyang nandiyan sa akin, lalo na kapag bayaran na ng tuition ng anak ko.”
Napakasuwerte naman ni Moi kay Papa P!





Comments