top of page
Search
  • BULGAR

Dati, todo-like sa post ng Blackpink member… ALDEN, GOODBYE LISA DAHIL KAY KATHRYN

ni Nitz Miralles @Bida  | June 12, 2024



Paolo Contis

Kinikilig ang mga shippers nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pag-aakalang may kinalaman ang napabalitang may mutual understanding o M.U. na sila sa hindi na pagla-like ni Alden sa Instagram post ni Lisa ng BlackPink.


Dati, ang sipag daw ni Alden na mag-like at minsan, nagko-comment pa sa post ni Lisa na crush niya. Pero, mula nang mabalitang nanliligaw at nitong huli ay may M.U. na raw sila ni Kathryn, tila tinamad nang mag-like si Alden sa post ni Lisa. Baka ayaw daw nitong malaman ni Kathryn na crush niya si Lisa at baka magalit sa kanya ang aktres.


O, ‘di ba, working overtime ang imagination ng KathDen (Kathryn at Alden) shippers? Ipinakita raw ni Alden Richards na mas priority niya si Kathryn Bernardo kesa kay Lisa.


Anyway, naka-post sa Instagram ni Alden ang Independence Day teaser ng Pulang Araw na ilalabas ng GMA-7 today, June 12. May mga kinilabutan sa teaser kung saan hawak ni Alden ang Philippine flag at tumatakbo siya palayo sa mga kalaban. 


May eksena ring nakipagbarilan siya bilang si Eduardo dela Cruz. Ipapakita rin sa teaser sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo.


Sey ni Alden, “First time kong makagawa ng project na may emotional impact after a certain scene. There’s a lot of inhumane acts that was committed during that time and parang naisip ko na I’m very grateful. I don’t know, baka ‘di lang ikinukuwento ng mga lolo at lola ko sa ‘kin, but what if na-experience nila ‘yun, ‘yung ganu’ng klaseng pagyurak sa kanilang pagkatao?”


Half-siblings ang role nina Alden at Barbie. Kasama rin sina David at Sanya, childhood friends sila na maaapektuhan ang friendship dahil Hapon ang karakter ni David at magiging kalaban ng magkakaibigan.


 

PAYAG din pala si Heart Evangelista sakaling magkaroon ng reunion movie ang Ang Tanging Ina na kasama siya sa cast at ginampanan ang role ni Portia. 

Nang tanungin siya tungkol dito ng GMA Network, “Oo naman” ang sagot nito at sinundan pa ng, “Yes! Marami nang narating si Portia sa kanyang kaartehan.”


Sa mga nakapanood sa Ang Tanging Ina, si Portia ang pang-apat sa anak ni Ina Montecillo na ginampanan naman ni Ai Ai delas Alas. Siya ang maarteng anak ni Ina at isa sa mga eksenang tumatak sa mga nakapanood ng pelikula ay ang sabunutan nila nina Nikki Valdez at Alwyn Uytingco.


Kaya lang, balita pa lang na magkakaroon ng reunion movie ang Ang Tanging Ina, nagkaroon na ng isyu kay Ai Ai at sa Star Cinema at sa mga fans nito at ABS-CBN. 


Sa pangyayaring ito, parang malabo nang matuloy ang reunion movie na maganda sana para malaman kung ano na ang nangyari sa mga anak ni Ina.


Siguro, hindi lang si Heart ang game na magkaroon ng reunion movie at baka pati na ang iba pang gumanap na anak ni Ai Ai sa ATI. Maraming mahuhusay na director ang Star Cinema na puwedeng humawak sa pelikula at tiyak na maganda rin ang kalalabasan gaya ng ginawa ni the late Wenn V. Deramas.


Samantala, ibinalita ni Heart na bumisita ang Senate Spouses Foundation, Inc. na kanyang pinamumunuan sa Tahanang Mapagpala Social Development Center in Caloocan. Namigay sila ng tulong sa mga residenteng neglected, abandoned and abused children at kasama na rin ang abandoned elderlies.


 

                                                                                                                                     

MAY post ang TV5 at Facebook page ng Wowowin na “There WIL be a panalong announcement 06-14-24 #WilcomeBackAnnouncement ABANGAN” na agad ikinatuwa ng mga fans ni Willie Revillame at ng kanyang programa.


Ang aabangan ng mga fans ay kung ia-announce na ang airing date ng show ni Willie at kung ano ang bagong title. O, baka naman i-retain ang Wowowin na title na tumatak at gusto ng mga viewers.


Ang bali-balita, ilalagay sa 5:30 PM ang time slot ng show ni Willie sa TV5, pero sa bagong inilabas na line-up ng programming ng network, ang Barangay Singko

Panalo pa rin ang nasa 5:30 PM time slot. Ang mababakanteng time slot ay ang 2:30 p.m., kapag inilipat na sa primetime slot ang Lumuhod Ka Sa Lupa.


Ibig bang sabihin nito, sa 2:30 p.m. slot ilalagay ang show ni Willie? Maganda rin ang time slot na ito dahil pagkatapos ng Eat… Bulaga! ay hyper pa ang Kapatid viewers. Nakahanda na raw si Willie at ang three female co-hosts niya.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page