Dati, sa It's Showtime lang… JOHN, DIREKTOR NA RIN NG ANG PROBINSYANO
- BULGAR
- Nov 11, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 11, 2021

Inanunsiyo ng Cornerstone, ang humahawak ngayon ng career ni John Prats, na isa na rin sa magiging direktor ng FPJ's Ang Probinsyano ang aktor.
Sa pagkakaalam namin, ang unang nagbigay ng break para maging direktor si Prats ay sina Angelica Panganiban at Sam Milby.
Nag-produce silang magkakaibigan — Angge, Sam at John — para sa first concert noon ni Moira dela Torre at wala raw silang direktor dahil bago pa lang sa business na itinatag kaya kulang sa budget at napagkasunduan nilang si John na ang magdirek.
Successful naman ang first major concert ni Moira at marami ang humanga sa pagdidirek ng newbie director.
Nakailang concert din ang idinirek ng aktor, then later on ay kinuha na rin siyang direktor ng ABS-CBN para sa noontime show nilang It's Showtime.
Pinalitan ni John ang dating direktor ng programa na si Direk Bobet Vidanes.
Si John ay isa rin sa cast ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
"Mukha pang kuya si John ni Coco."
"Talented Prats siblings! Galing naman! Puwede kahit saan sila isabak."
"Hataw si Praty, from noontime to primetime."
"Magaling siya talaga kahit wala siyang formal training, nagmamasid lang siya, nakuha na niya."




Comments