Dati, Rolex watch, ngayon LV bag naman… JULIA, BUSOG SA MAMAHALING REGALO KAY GERALD
- BULGAR
- Mar 3, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 3, 2024

Napaka-generous palang boyfriend ni Gerald Anderson, dahil bongga siyang magregalo sa karelasyon.
Niregaluhan niya ng mamahaling Rolex watch ang GF niyang si Julia Barretto. At recently ay isa namang Louis Vuitton bag ang kanyang ibinigay.
Can afford naman si Gerald na magregalo ng mamahaling gamit. Dati nga, nu’ng nanliligaw pa lang siya kay Maja Salvador ay chopper pa ang ipinansusundo niya kapag sila’y nagde-date.
Kaya, super impressed sa kanya ang mga girls. At mukhang si Julia na ang kanyang destiny, dahil seryoso na siya sa kanilang relasyon at tapos na rin ang kanyang pagiging chickboy.
Pero, humahataw ngayon ang career ni Julia, at hindi pa ito handang iwan ang kanyang career upang magpakasal kay Gerald Anderson.





Comments