Dati, pari ang biktima… APO WHANG OD, NA-BASH SA PANGHIHIPO KAY PIOLO
ni Julie Bonifacio @Winner | March 14, 2024

Hinipuan si Piolo Pascual sa kanyang pinakaiingat-ingatang private part ng kilalang legendary tattoo artist na si Apo Whang Od. Nakakalat sa socmed ang mga larawang kuha kay Piolo kasama si Apo Whang Od at isa rito ang kuha kung saan nakapatong ang kamay ng matandang tattoo artist sa ‘hotdog’ ni Papa P..
Mukhang pati ang matandang gaya ni Apo Whang Od ay kinilig kay Papa P at 'di nakapagpigil sa sarili dahil sa sobrang kaguwapuhan ng aktor.
Pero makikita sa piktyur na hindi napikon o nagalit si Piolo at sa halip, natawa lang ito.
Hati naman ang reaksiyon ng mga netizens sa ginawa ni Apo Whang Od kay Piolo.
May nagkokondena sa matandang tattoo artist na 'di tama ang kanyang ginawa.
"What Apo Whang Od did is hindi tama and don't close your eyes sa fact na ‘yan just
because she is an icon (legend). Imagine, if it's an old man who did that? Everyone, if not all, will be pissed off. Kaya I don't understand bakit nagsana-sana all pa kayo."
"Regardless kung matanda na, hindi magandang gawain ang ganyan at hindi dapat tino-tolerate. Hindi katatawanan ang mahipuan o dakmain."
"Sorry but that's not implied consent @7:11. Not everyone knows she does that - you only hear it through word of mouth and not everyone has access to those stories. Regardless if she's old or if she's been doing it for ages, it doesn't make it right."
Ang iba ay dinepensahan naman si Apo Whang Od sa kanyang ginawa kay Papa P.
“Now Apo Whang Od being accused of sexual assault.”
“Medyo cringy pero iisipin mo na lang talaga na matanda na kasi.”
May nag-comment din na trending na trending si Apo Whang Od dahil nakahawak ng sandata.
Sagot naman ng isang commenter, "Nakita ko nga, trending si Apo Whang Od, akala ko ano na nangyari, nakahawak lang pala ng sandata."
May nag-reveal din na 'di lang si Papa P ang hinipuan daw ni Apo Whang Od.
Sabi tuloy ng isang commenter, "This is her thing, I saw her do this to a friend na pari pa naman."
Hala!





Comments