Search
  • BULGAR

Dasal ng netizens, epektib!.. FANNY SERRANO, LIGTAS NA SA STROKE, NAKAUWI NA SA BAHAY

ni Nitz Miralles - @Bida | May 04, 2021




Good news ang post ni Sharon Cuneta sa Instagram tungkol sa kondisyon ni Fanny Serrano.


Aniya, “THANK YOU SO MUCH EVERYONE FOR ALL YOUR PRAYERS!!! I am happy to tell you that TF is now home, recuperating and on his way to a happy 100 more years! God still performs miracles in the present day. Praise Him!”


Ang positive ng mga comments sa balitang ito ni Sharon at nangako ang mga followers niya na tuluy-tuloy ang pagdarasal nila para sa lubusang paggaling ni Fanny na kilala sa showbiz bilang si TF.


Matatandaang na-stroke si Fanny noong March 16 at isa si Sharon sa mga humingi ng prayers sa mga netizens para gumaling ito.


Si Sharon din ang nag-a-update sa kalagayan ni Fanny at nagalit ito sa kumalat na fake news na wala na raw ang kaibigan.


Nag-sorry din naman agad ang nag-post ng fake news at ngayon nga, na-discharge na sa hospital si Fanny at ipagdasal natin ang kanyang lubusang paggaling.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.