top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DARIA, HUMIHINGI NG TULONG SA EX-MISTER NA SI JOEY, DINEDEDMA LANG DAW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 1, 2023


Guest ni Ogie Diaz si Daria Ramirez sa kanyang YouTube Channel.


Mag-isa na palang namumuhay ang beteranang aktres at hindi niya ikinakaila na hirap siya sa buhay lalo na sa pang-financial.


Ani Daria, "Almost everyday, iniisip ko, ‘Kanino naman kaya ako makakalapit?’"


Hindi na rin daw nila pinag-uusapan ng ex-husband na si Joey de Leon ang kanilang mga anak.


Tanong ni OD, "So ‘yung totoo, si Tita Daria ngayon, kahit nag-iisa ay hirap ngayon sa buhay?"


Sagot ng beteranang aktres, "Hirap in a way na lack of financial. I mean, almost everyday, iniisip ko, kanino naman kaya ako makakalapit, para makabayad nito, makabayad ng ganu’n. Mga ganu’n. Baka naman. Sana man lang, eh, maramdaman mo na naging bahagi rin ako ng buhay mo, kahit na kung ano ang nangyari nu’ng araw. Nagpatawad na naman ako sa iyo, ‘di ba?


Magpatawaran na tayo. Sana naman, ilagay mo sa isip mo ‘yung tapos na ‘yun..." prangkang sagot nito.


Direkta na nga siyang humihingi ng tulong sa ex-husband.


"Don De Leon, baka naman, you know. Siguro naman, nararamdaman mo, ‘di mo lang pinapansin, eh. Kailangan ko ng tulong mo. Baka naman maalala mo ako. Hintay lang ako.



Hindi lang masabi ng mga anak natin dahil ayaw nilang gumitna. Alam mo ‘yun. At mas lalong alam ko kasi nakakausap ko sila.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page