Darating din daw sila sa kasal… ELISSE: BAHAY MUNA BAGO BABY NO. 2 KAY MCCOY
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 23, 2024

Tapos na ang unos sa relasyon nina Elisse Joson and McCoy de Leon at na-settle na nila ang mga problemang kinaharap sa kanilang pagsasama.
Matatandaang inamin naman nila pareho last year na naghiwalay sila at nagkabalikan naman agad after a few months.
Ayon kay Elisse nang makausap namin sa thanksgiving party ng Luxe Beauty and Wellness Group na ginanap kamakailan, pinag-usapan nila ni McCoy ang kanilang problema.
“We talked about it. Siguro, last year was a stage for us na we wanted to be quiet about it and heal,” aniya.
“Nangyari naman po. Now we’re more. . . I guess, what you see is what you get pa rin.
Pero now, we’re happy to show it to you,” dagdag niya.
“Healed and better 2024,” natatawa pang sabi ng aktres tungkol sa estado niya ngayon.
Napag-uusapan na ba nila ni McCoy ang pagpapakasal?
Natawa si Elisse. “‘Pag mga ganu’n, parang ano, ‘no, nakaka-stress sagutin.”
Aniya, eventually ay darating din naman sila ru’n.
“I think, darating din po tayo d’yan. Kasi nga, like I said, last year, we wanted to be quiet about our family, our relationship, kasi we wanted to make it stronger.
“So, hanggang ngayon, ganu’n pa rin po. Ang hirap naman kasing madaliin ‘yung pagpapakasal and then, ‘yung foundation is medyo rocky, so we want to keep going and to make it stronger, too,” aniya.
As we all know ay may isa nang anak na babae sina Elisse at McCoy, si Felise. When asked kung may plano for Baby No. 2, ayon sa aktres ay wala pa.
“Hindi pa po,” natatawa niyang sabi, “‘wag na muna po. I think, now we’re focusing on building the life of our dreams, kasama na rin ‘yung magkaroon ng bahay.”
Samantala, isa si Elisse sa napakaraming celebrity endorsers ng Luxe Beauty and Wellness Group and thankful siya na maging part ng nasabing lumalaking kumpanya.
Favorite raw niyang produkto ang Luxe slim drink na araw-araw ay iniinom niya bago pa man daw siya naging ambassador.
Nitong January lang daw siya naging official endorser ng Luxe pero matagal na siyang user ng Luxe slim drink.





Comments